BAWAL ILABAS SI BABY

bawal daw po ba ilabas si baby pag di pa nabibinyagan at pwede naman daw po ba ilabas si pag may bracelet siyang pula.? Bakit naman po bawal ilabas pag di pa nabibinyagan?

39 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

depende sa paniniwala niyong parents un...kaya lang sinabi na bawal pa kasi risky pa baby ang paglabas lalo na pag wala pang vaccine si baby or di pa kompleto..

Thành viên VIP

Wag maniwala sa sabi sabi.. mejo risky lng ilabas pag gnyan kabata kc madaming sakit pocble nya makuha. Mahina pa kc immune system ska di p complete vaccine

myth lang po yan pero ang totoo po delikado pa po kse clang igala ng igala bka mkakuha ng sakit mdali pa sila mhawa lalo't di pa sila kumpleto sa bakuna

ako 2 weeks pa lang si baby umalis na kami eh. mga oldies ganyan sila mag isip dami bawal. pero syempre samahan parin ng dasal pag aalis ng bahay

Kapag siguro wala pang vaccines si baby, wag po muna ilabas ng bahay. Kasi po marami pong airborne diseases. Kawawa nman po si baby.

Pwede naman ilabas. As long as maganda naman ang weather. Baby pa kasi nag aadjust pa sila sa paligid kaya medyo madali magkasakit.

Thành viên VIP

Sa health ni baby kaya hindi pa pwdeng ilabas. Saka kung usugin si baby HAHAHAHA baby ko usugin kaya bawal ilabas 😂😂😂

If 6 months below si baby much better sa bahay lng most of the time kasi mahina pa immune system nila.

Pamahiin lang po. Wala naman mawawala if maniniwala ka pero wala rin yung scientific basis.

Super Mom

Nalalabas naman namin si baby before. Di lang namin binabyahe ng sobrang malayuan