BAGONG PANGANAK
bawal ba talaga uminom ng malamig na tubig pag bagong panganak? at bawal rin maligo? jusko init na init nako😭😭😭
hello mommy, kamusta po? nanganak ako nung october 14 from baguio po ako. alam niu naman weather dito super lamig na. ako po nung kakapanganak ko hindi ako naligo kasi mahina po talaga ako sa lamig hindi ako nakakaligo ng walang heather/hot water 😁 pero ung mga kasamahan konsa ward as in madaling araw or umaga naliligo sila tapos dat time nanganak pa ako eh malaks ulan mahangin. hehe! kahit nga po pang hugas sa pempem diko po kaya ung lamig ng tubig sa gripo. 5days kami sa hospital. pagdating namin dito sa haus mga 2pm na siguro naligo ako pero ung pinakuluan ni mister na dahon ng bayabas.
Đọc thêmKinabukasan after ko manganak naligo na ako sa hospital. Yes dapat na maligo agad. Dapat malinis tayo pag katabi natin si Lo lalo na mahina pa resistensya nila. Baka sa atin pa magmula ang bacteria na makapagbibigay sa kanila ng sakit dahil di tayo naligo. Lalo na kung breastfeed si Lo. Dapat lagi tayo malinis. Di po dahil sa pagligo ang mga nararamdaman natin after manganak. Normal lang po yan dahil nakaranas ng matinding stress ang katawan nating during labor at delivery. Isama mo na rin ang pag adjust ng hormones natin. Pero eventually unti unti namang mawawala yan.
Đọc thêmAko pasaway ako sa mga kasabihan ng matatanda. sabi hintayin ko daw one week, e sobrang init naligo n ako 5days palang. tapos ilang araw lang nag sasando nalang ako. nagagalit s akin mama ko pero hindi ko talaga kaya magbalot ng katawan sa tindi ng init. Siguro kung sa tagaytay o bagyo ako nakatir kahit 3layers pa ipasuot nila sa akin. 2months na lo ko ngayon.
Đọc thêm𝓼𝓪𝓫𝓲 𝓷𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓹𝓸 𝓹𝔀𝓮𝓭𝓮 𝓷𝓪 𝓶𝓪𝓵𝓲𝓰𝓸 𝓪𝓯𝓽𝓮𝓻 𝓶𝓸 𝓷𝓪𝓷𝓰𝓪𝓷𝓪𝓴. 𝓹𝓪𝓰𝓴𝓪 𝓵𝓪𝓫𝓪𝓼 𝓴𝓸 𝓹𝓸 𝓷𝓰 𝓵𝔂𝓲𝓷𝓰 𝓲𝓷 𝓷𝓪𝓵𝓲𝓰𝓸 𝓹𝓸 𝓪𝓴𝓸 𝓴𝓲𝓷𝓪𝓫𝓾𝓴𝓪𝓼𝓪𝓷 . ☺
Ako nga cs pinaliligo ng ob sa ospital..bbasta may balot ung tahi.. Ano pa sa normal😅 wag nagpapaniwala sa bawal maligo.. mag ob natin nagpaka bihasa at nag aral yan kesa sa payong matatanda😅 Kung nammaligan ka mag painit ka tubig pero ung ssbhn na bawal maligo y hnd un totoo . Hahaha
pwede naman mamsh ako CS ako e after 3 days naligo na ko at saka umiinom ako ng malamig na tubig pero patago lang kase yung mga matatanda sinasabw na wag daw muna ko uminom ng malamig na tubig dahil sisikmurain daw ako o lalaki daw tyan ko, nung uminom naman ako tubig na malamig wala naman nangyare hahaha
Đọc thêmSabi lang po iyan ng mga matatanda na nabuhay pa nung unang panahon hahaha tas nag salin lahi na lang ang sabi sabi hehehhe, pwede naman kayo maligo warm water and quick rinse lang tas sa tubig na malamig po possible po kasi kayong sikmurain kapag nabigla ang tyan nyo pero pwede naman po kayo uminom nun.
Đọc thêmdepende kung kanino ka mas maniniwala, sa doctor ba or sa mga pamahiin. nasa iyo naman yan. anyways, ang binat ay nakukuha sa puyat at hindi pagkain ng tama sa oras/nagpapagutom ka. hindi nakakabinat ang pagligo at pag-inom ng malamig na tubig. with that information, nasa iyo kung ano gagawin mo.
sa hospital pinapaligo na talaga bago makauwe e ayaw ng asawa ko nun buti dinischarge na ako nun tas dame matatanda dito 1week daw bago maligo sumunod nalang ako hays. tsaka sa hospital palang nagmamalamig na ako gawa ng ayun binibili ng asawa ko tubig na malameg.
ako nanganak ako oct.7 taga mtn.province malamig din ung weather dito .tapos ko nanganak ka bukasan naligo na ako ..pwede ka maligo warm water ..hindi lng ung masyadong mainit kasi baka mamelt ung tahi mo .kung may tahi ka
a mother of elijah john