Nail Problem
Bawal ba palinis ng kuko yung buntis? Sabi kasi ng matatanda bawal. Chaka pasingit ng kuko?
Pwede naman magpalinis lalo na ngayon ambilis humaba ng kuko natin. Siguraduhin mo lang na sa reputable nail spa o salon ka pupunta para sterilized ang gamit nila. Iniiwasan lang kasi masugatan ka at mainfection lalo na ginamit sa iba yung tools nila panlinis.
Dapat naman talaga well maintained at malinis ang nails natin, buntis man o hindi. Basta make sure na sanitized ang mga gagamitin na panlinis sayo tsaka hindi ka masusugatan. :)
Pwede, nagpapapedicure ako kasi hirap linisin mag-isa. Di ko lang pinapakutkot at pinapapalagyan nail polish
Pwede naman po. Basta sariling gamit mo or steriled yung tools na gagamitin para sayo.
Ok lang mommy basta wag tayo ang mag linis iniiwasan natin masinghot yung kemikals e
bawal po kasi bka masugatan ka magka tetano ka and di safe yung mga gingamit na pang linis
Pwede naman. Basta wag mag pacutics kase patatanggal ren yan ng ob or sa hospital.
Nagpapalinis ako momsh kasi medyo kadiri din eh ahahha pero wala lang nail polish.
Ang risk lang naman po kasi is baka masugatan. Mainfection need pa magtake ng antibiotic.
Oo nga no. Thank you, 😊
pwede naman po . pero pag malapit nang manganak need mo na din tanggalin
Preggers