33 weeks and 5 days.
Bat nagkaganito po ako? ? Ngayon ko po lang nakita. Nag wonder na kasi ako if ano nangyayari . Tapos ganito na pala. Paano po eto maiwasan? ?
Buti nga sayo momsh ganyan lang eehh.. yung sakin tadtad tyan ko kala mo mga worm pati binti ko ang dami😅 nagtataka nga yung mga nakakakita ng strechmarks ko ehh.. sabi pa nila ang hilig ko daw siguro magkamot nung buntis sabi ko hindi naman kusa lang siang lumabas.. kaso nag start sia maliliit na white ang dami yung iniistrech nia na balat ko. So ayun ganito na nangyari. Ang hilig ko pa naman sa short and dress so goodbye nako sa kanila😢 kasi ang pangit na tignan ng binti ko pero okay lang maganda naman kinalabasan eehh isang cute na baby girl.. cheer up lang momsh.. iniyakan ko din yang strech marks ko hihihihi..pero now okay na sakin.
Đọc thêmSabi po ng OB ko, yung collagen natin sa katawan hindi sapat para sa elasticity ng tyan natin kaya tayo nagkaka stretch marks. Sa laki ng tyan, kailangan nyang mag break and yun yung stretch marks. Hindi na natin sya maaalis, pero we can lighten it.
Okay lang yan Mommy ganun talaga mas malala pa dyan sa sakin.. Sa first baby ko nag freakbout talaga me kasi huli ko na tiningnan tiyan ko malaki na masyado.. Tapos ganyan ung iba kay ang itim pa.. After birth parang inararo tiyan ko😂. Pero carry lang
normal lang po, as per my midwife po kapag ganyan daw po color ng stretchmark bago po yan kapag white daw po yun yung dating stretchmark, madami po akong ganyan hehe pero okay lang kasi proof sya na nagdala ko ng baby for 9months (2times)😊😊
Nd ka nag iisa sis ganyan din yung sakin sa harap at sa likod pa nga sakin eh'... Ok lang yan sis isa lang yang patunay na nagbuntis ka sa iyong baby'... 😊 35weeks and 3 days na ngayun ang tyan q' dadami pa yan sis'....
Bio oil po. Use twice a day as early as second trimester pwede na gumamit. Mejo mahal lang pero nakakatulong talaga di man makabura totally nakaka-prevent ng madaming stretchmarks. Prescribed by OB yan.
cocoa butter po pag nanganak kana. normal lang naman yan mamsh, mag light din yan kapag nagtagal. Sakin 8mos nako nung lumabas stretch mars ko. Pero okay lang sakin. tsaka nag light sya.
Normal yan momsh. Wag mo iyakan. Proof yan na nakaya natin dalhin si baby at buo na tayo bilang babae. Model ka po ba at ayaw mo magkastretch mark? No offense po.
Bat po kau umiiyak eh stretch mark po yan kasama talaga yan sa pagbubuntis d yan maiwasan.. Mawawala rin naman yan pag matapos manganak.. Invisible na na po yan after
Buti kapa sis ganyan kulay ng stretch mark mo . Sakin itim 😔😔 buti nalang mabait asawa ko , minotivate nya ko. Iniiyakan ko din kse ung ganyan ko e .
Hoping for a child