Lalo kong na stress...
Base sa LMP ko, mag 41 weeks na ako. Pero sa uts/transv, 36weeks pa lang. Yung OB ko, niresetahan ako ng evening primrose dapat daw mag labor na ako this week. Pero pag IE sakin, closed cervix pa pero malambot na daw. Pag hindi pa ko nag labor ngayong week, induced labor na daw niya ako. Okay lang po ba yun? Pwede na ilabas ang baby kung 37 weeks diba kasi full term na? At gusto niya, 2x a week ako magpa BPS with NST. Safe po ba yun sa baby? Gulong gulo na ako.. Nung nakaraan lang gusto niya ako isched ng CS na kasi breech si baby at 33 weeks, pero ngayong pa 37 weeks nag cephalic na baby ko, gusto naman niya ako iinduce. Hay ang gulo. :( Enlighten me naman po mga mommy.
Zane Louis ❤️