Mag 2mos na si baby ko no more puyat na. Puyat lang kasi need ifeed pero mahimbing na tulog nya sa gabi. Pero bago nagbago ung time nya ng tulog. Puyat muna kami 1 week as in. Sa gabi sya gising tapos iyak sya nang iyak kasi antok na antok na sya pero ayaw nya pa matulog. Pag nakatulog naman sya ayaw nya magpababa. Tapos ayun sa araw sya natutulog. Gang isang araw, gising sya ng araw tapos nakatulog ng 4pm tuloy tuloy na. Ganun na naging routine nya ngayon. Pero nag adjust ulit 7pm na sya nakakatulog kasi nag nanap na sya sa araw pero ayaw naman magpababa hahaha.
Si baby ko sa ngayon okay naman tulog nya sa gabi gigising lang sya para sa feed nya then sleep na ulet. Mag start sya mag sleep ng before 10 tapos swaddle ko na sya change light na mas mahina ayun nakakatulog naman sya ng ayos. Sana wag na mag bago mag 2 months na sya sa Christmas 😊
sabi nila simulan na raw magkaroon ng routine like sa umaga paliguan tas bago matulog warm bath or kahit punas lang tapos lights on pag day at lights off pag night. ganun ginagawa ko 2 months na rin baby ko, effective naman so far. Nagstart ako nyan nung 6th week nya
same struggles mii but I think kusa naman yan mag iimprove. May nabasa akong article dito sa AsianParent that at 3 to 4 months, dun na mas magiging regular yung sleep nila sa gabi.. That's the time na pwede na mag sleep training si baby..
Mashado pang maaga para itrain mo sa morning at evening, eventually sila mismo makakatulog on their own sa gabi.
yung baby ko ganyan din dati, nabago naman. magbabago din yan mi