Pag Natural Birth ba mas matatawag ba talagang Nanay?

bakit sinasabi nila na mas feel mo na nanay ka talaga pag natural birth mong naipalabas ang baby mo 😔 hirap ng mindset ng ibang tao. Di nga nila alam ano talaga reason bakit na CS yung nanay kahit di naman talaga nya sana gusto na ganon ang way of giving birth nya. Im 27weeks na . Nakaka pressure lang kasi talaga kasi karamihan sinasabi nilang ganyan.

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Mommy, ang pagiging nanay hindi nasusukat sa kung paanong paraan mo iniluwal ang anak mo sa mundo. Kundi sa kung papaano mo gampanan ang responsibilidad mo bilang isang ina, ikaw man ang nagluwal o hindi sa isang bata. Merun ngang mga nanay sila nagluwal pero inaabandona ang anak dahil di kayang gampanan ang responsibilidad bilang ina. Merun namang hindi sya ang nagluwal pero ganun na lang ang pagmamahal at pag-aaruga sa bata, at kayang magsakripisyo para sa higit na ikakabuti ng bata.

Đọc thêm