morning sickness
Bakit po kaya ganun di po ako nag kaka morning sickness ilang months ba bago mag occur yun? Atska ilang months bago mafeel yun baby puro worry kasi ako 1st time ko lang kasi ang dami ko kinakastress.
Hi mommy. Wag ka masyado mag worry baka yun ang makasama sa baby. May mga preggy talaga na hindi nakakaranas ng morning sickness and normal lang rin po yun. :) Para mapanatag ka talk to your OB. :)
Hi sis! Ilang weeks napo kayo? Ibat iba naman po ang buntis pwede pong di kayo magkaroon ng morning sickness, pwede rin naman pong late nyo na maramdaman. Dont stress yourself po😊
14 weeks here.. pero d rin po ako nakakaranas ng morning sickness.. first baby din po😊 ng papasalamat po ako kasi hindi po maselan ang pag bubuntis ko🙏🏻❤️
mga after a month ngsstart morning sickness . meron kase mga babaeng pinagpala like you na di nkkranas ng morning sickness kht buntis. normal lng nman po un.
Iba iba po talaga. Ako never naka experience ng morning sickness kahit paglilihi/cravings. Parang hindi buntis. Naramdaman ko kicks ni baby around 18weeks.
Haha Wag Muna Hangadin Na magka morning sickness ka.!Sobrang hirap Sis Ksi Maski tubig at kape masusuka Mo Hilong hilo Kapa ma swerte kanga eh
Swerte mo hahaha. Dont worry iba iba naman kasi magbuntis. Best thing to do is magingat po 😊
ANG SWERTE naman nitong mama walang morning sickness. Wag mo na pangarapin maranasan mamsh hahahahaha
Hindi po nag taka lang ako akala ko lahat nag kakaruon nun
Swerte mo mamsh di ka nakaranas ng morning sickness hehe ako kasi hirap na hirap.
Isa po kayo sa mga mapapalad na mommy 😆🤣 sana all 😅
mom of 2boys