18 WEEKS PREGNANT, GALAW NI BABY

bakit po kaya ganon? hindi ko alam kung di ba active si baby o di ko lang nararamdaman o nata-timingan yung pag galaw niya. minsan nararamdaman ko siya parang tumitibok tibok, nung nakaraang araw Sept 6 naramdaman ko sya parang may sumuntok sa loob ng puson ko ng tatlong beses. yung una mahina yung pangatlo nagulat ako sa lakas tas ngayon parang wala ako nararamdaman na malakas na sipa o suntok. pero may time na parang may lumalangoy na isda sa loob ng puson ko pero mahina lang. sa 12 pa kasi Check up ko. balak ko na rin mag pa ultra sound #firstbaby #1stimemom

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

normal yan mommy :) Mas mararamdaman mo siya pag nag 20weeks up kana 😊