Sex lang ba?

Bakit ganito? I’m a mom of two, a working mom, at wala kaming katulong sa bahay. Weekdays, gumigising ako ng 4 AM para asikasuhin ang mga bata, ihanda ang mga baon nila at ng husband ko, at pagkatapos ay papasok na rin ako sa work. Three days akong office-based at two days WFH. Around 6–7 PM na ako nakakauwi, depende kung swertihan sa traffic. Pag-uwi ko, hindi pa tapos ang araw ko. Magluluto ako ng dinner, maghuhugas ng mga pinagkainan, mag-aasikaso ng mga bata, at kung anu-ano pang kailangang gawin sa bahay. Usually, 10–11 PM na ako nakakatulog. Kapag weekend naman, maaga pa rin akong gumigising para maglaba, maglinis, magluto, at maghanda ng pagkain para sa buong pamilya. My husband works too, so pareho kaming may trabaho, pero honestly, madalas sobrang pagod na ako—physically, mentally, and emotionally. Kaya kapag tumatanggi ako sa sex dahil kailangan ko ng tulog at pahinga, hindi naman ibig sabihin na ayaw ko sa husband ko. Minsan, pagod lang talaga ako at kailangan ko munang makabawi ng energy. At kapag WFH naman ako at mas may time at energy, binibigay ko rin naman sa kanya. Ilang beses na siyang nababanas kapag tumatanggi ako, hanggang sa napag-usapan namin at nagkasundo kami na intindihin ang isa’t isa. Kaya akala ko okay na. Pero bigla na naman siyang nag-aya sa isang pagkakataon na sobrang pagod ko—mentally, physically, at emotionally. Nang tumanggi ako, parang bigla niya akong hindi kinibo. Parang hangin ako. Kapag may inuutos, ginagawa ko. Kapag may tinatanong ako, parang hindi niya ako naririnig. Ang sakit lang sa loob. Hindi naman ako yung taong laging may oras para mamasyal, gumala, o lumabas. Sa totoo lang, halos bahay at trabaho lang ang mundo ko. I’m constantly taking care of our kids, our home, and our family. Kaya ang tanong ko lang: Bakit parang kapag sex ang hindi ko maibigay sa oras na gusto niya, nag-iiba agad ang pakikitungo niya sa akin? Hindi ko naman hinihingi na intindihin niya ako sa lahat ng bagay. Gusto ko lang sana na kapag sinabi kong pagod ako, respetuhin niya iyon—without making me feel guilty, ignored, or punished for saying no. Kasi hindi naman ibig sabihin na kapag tumanggi ako, hindi ko na siya mahal. Minsan, kailangan ko lang talaga ng pahinga. Sana maintindihan niya na bago ako maging asawa, nanay, at partner, tao rin ako na napapagod at nangangailangan ng tulog, pahinga, at pang-unawa.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy. I understand how you feel and hindi naman masama tumanggi sa sex especially sa situation mo na exhausted ka na talaga. And I completely understand you kasi yan din nangyari sa amin. And to think isa pa lang anak namin ha. What helped was we had a talk with each other, like heart to heart. Though busy ang mga schedule namin kasi opposite yung work scheds, we made time. Nag kamustahan kami about work, about ourselves, mga recent discoveries or hobbies namin. Kasi in the busyness of life, usually ang nakakalimutan natin ikumusta is each other. It would be best to sit down with your husband and pag-usapan nyo especially how you feel and how he feels about it. I understand busy especially ikaw with work, kids, and sa bahay. But you both need to try to make time maybe at least hour to talk it out with your husband. It's not only for the sake of your marriage pero para din for your sake, sa well-being mo kasi from what you're describing, you're carrying so much of the mental load. You entered that marriage as a partnership, carefully remind him of that baka rin di pa sya namulat sa current situation nyo na nag-iba na. He needs to accept na hindi na talaga gaya ng dati. But just because di na gaya ng dati yung situation nyo doesn't mean you no longer love and care for each other. It just means that you need to find the right balance again. He also needs to understand na if he wants to get intimate quality time with you, he should also make an effort ma free up yung schedule mo. Di na man dapat yung mabibigat na tasks talaga, pwede naman like sya yung bahala sa pag prepare ng dinner maybe twice a week o hugas ng plato after kain. Or sa morning sabay kayong gigising para mag ready for the day, ikaw mag luluto then sya mag pa-pack sa baon. You know mga simple tasks lang to ease your load and to make room for more quality time together.

Đọc thêm
10h trước

thank you so much.. kausapin ko ulit sya...