Feeling ko para akong single mom

Bakit ganito? May asawa naman ako, pero parang feeling ko ako lang nag tataguyod para saamin. Ako ang nag tatrabaho para may kainin kami at mapangbayad sa renta namin. Pati lahat ng gastusin namin kay baby ako lahat. Ako tagaluto, ako taga laba,ako taga linis,ako taga alaga ng bata. Lahat ako. Minsan nag paparinig na ako sa asawa ko na pagod na ako sya naman mag work para saamin pero dedma lang, sya pa laging galit. Ako pa ang laging nabubungangaan. Yung feeling na dapat ako ang tumatanggap ng budget every cut off, pero baliktad. Ako ang nag bibigay sakanya pang budget. Pag wala kami makain,walang png check up si baby ako yung na mo-mroblema saan ako mag hahanap ng uutangan.m,sya chill lang. Bakit ganito?

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

choice mong manatili, may choice ka naman umalis eh lalo nat kaya mo naman lahat na wala sya

haha madaling sagot jan iwanan muna. Kaya muna buhayin anak mo di ko sya kailangan

Syempre hinahayaan mo, kaya ganon.