Rashes sa pwet
Hello! Baka po may masa suggest kayo na mabisa pang tanggal ng rashes. Nagka rashes po kasi yung baby ko sa pwet at pepe. Nilagyan ko sya petroleum jelly pero parang hindi naman tumatalab pati yung calmoseptine. Any suggestion po? Ps. Yung puti po gamot po yan nilagay ko yung calmoseptine. #pleasehelp #1stimemom #firstbaby
mommy, palit ka po siguro ng diaper. try mo korean diaper kasi marami sumusubok nun now and magaganda feedback, baby ko yun ginagamit, mula pinanganak sya never pa nagka-rashes. tapos pag huhugasan mo sya, bulak at maligamgam na tubig na lang, wag ka gagamit ng wipes kahit unscented pa yan. tapos palitan mo sya palagi mga 2-3hrs kahit di pa basang basa para di pamahayan ng bacteria yung diaper tapos kada papalitan mo sya, try mo na pa-preskuhan yung pwet nya kahit saglit para medyo makaginhawa sya. sana gumaling na si baby.
Đọc thêmpa check up mo na momsh kawawa naman si baby. masyado na malala yan. tapos iwasan din na nabababad sya sa wet diaper momsh. palit ka every 2 to 3 hours. cotton at warm water nalang din muna panglinis mo sa kanya. at siguraduhin tuyo bago lagyan ng diaper. kung maigi ma air dry yung part na yan. or better i lessen mo muna yung paggamit ng diaper. basta dapat lagi tuyo yang area na yan ni baby. or baka din sa diaper momsh di nya hiyang. tong mga sinabi ko halos nabasa ko din dito sa app and sinunod ko at di nagkakarashes si Lo ko.
Đọc thêmbakit naman po umabot sa ganito? nakakaawa naman yung baby. dapat tinatanong po agad sa pedia tsaka kapag may konting pamumula pinapalitan na agad ng diaper brand or every 2-3hrs nagpapalit dapat si baby. tsaka dapat malinis kamay kapag nagpapalit ng diaper. sorry sa harsh criticism momsh ha pero mukhang masakit na kasi yan para kay baby. tsaka sure po ba kayo na pwede talaga petroleum jelly bago niyo ini-apply sa mahapdi niyang balat? pasingawin niyo po skin niya, dahil rin po sa pawis yan siguro 😭😭😭
Đọc thêmTry to use Bepanthen Baby (Nappy care) it is indicated for diaper rash, however, it is much better to consult a doctor, baka po may secondary infection na. Dont self medicate especially yung may steroids, hindi sila indicated for diaper rash unless doctor mismo nagsabi na kailangan ni baby, steroids can have really bad side effects especially sa babies plus the fact na diaper area yan, manipis ang skin and magkakaron ng occlusion. Possible side effects are, growth retardation, skin atrophy and etc.
Đọc thêmIlang months na po si baby at gano na katagal yan? Parang ang hapdi na po. Yung mga usual home remedies po Check if hiyang diaper, then palitan agad at kung kaya, pasingawin wag muna suotan. Sa wipes baka hindi din hiyang, use warm water and cotton. Sa cream, mga usual na ginagamit, rash-free, drapolene, calmoseptine, Tiny Buds in a rash. Pero best po, kung pacheckup nyo na. Baka po need muna magamot yung sugat sugat ni baby. 😔
Đọc thêmpetroleum jelly ay hindi na po advisable kasi mainit sa pakiramdam ng baby yan, mas lalo lang lalala ang rashes pag ganon. Try niyo po yung Calmoseptine, effective yan for rashes 36-38 pesos ang range niyan sa mercury at tgp pharma.. Hugasan muna ng maligamgam na water yung affected area before applying the cream, baby ko sobrang kapal ng rashes sa pepe niya calmoseptine lang ang nakapagpatanggal tiyagaan lang talaga sa pag lalagay
Đọc thêmkailan pa po ba yan sis? pacheck up na po sa pedia kse mahapdi masakit po yan. wag po petrolum hindi po un nkakahelp .. calmoseptine better pa po pero mas okay po kung ipacheck nyo po at mag change po kayo ng diaper ung magandang quality like EQ,Pampers etc. tpos po ipahinga nyo ung pwet nya kpag umaga lampin lampin tpos sugasan sya kpag nagpopoop warm water at bulak. mas okay po un kesa sa wipes wipes lang.
Đọc thêmay ang lala na...kung hindi gumagaling sa calmoseptine try nyo po drapolene pero mas maganda patingnan sa pedia...hugasan mo lactasyd for baby tas lagyan ng drapolene at pampers muna ang gamitin wag muna mg wipes hugas hugas muna warm water...ako kasi kapag may sign agad ng pamumula kahit konti sa baby ko action agad ako dina ako nghihintay na lumalala pa
Đọc thêmmommy wag na wag mo lalagyan ng petroleum ang baby mo kahit san. di sya nirerecommend ng doctor. kami sinabihan kami agad na mga bawal para kay baby. mainit po kase sa balat yan mas lalo nasasaktan baby mo. mas better if ipadoctor mo sya kase malala na po. pero need nyo cheaper na rash cream eto po. pero hiyangan po kase yan kaya mas ok sa doctor po.
Đọc thêmHydrocortisone cream + Pure Zinc oxide po paghaluin nyu and then apply diaper rashes 2x a day For 7 days po yan po nakagamot sa ganyan ni baby ko before. as per pedia advice. bale 2x napo nagk ganyan si baby ko. then diko ginagamitan muna ng wipes. cotton balls po na basa sa maligamgqm na water or better hugasan nalang ng water if mag poop.
Đọc thêm
Hoping for a child