Ano po ba pakiramdam kapag gumagalaw ang baby sa Tyan 😅 I'm 18 weeks pregnant
Baby kicks
same po sa ibang comments, parang mahinang wave (pag sa may puson), pitik pitik, bubbles. Nakaramdam din ako ng pumipintig paulit ulit sabi nila hiccups daw un :D pero naramdaman namin ni hubby ung mejo malakas as in gumalaw ung tyan ko at 21 weeks :))
17weeks ako mommy. ung naramdaman ko na sa tyan ko parang may pumipitik sa ilalim ng pusod ko. tapos may time na ung feeling na umutot ka sa pool? sa may left side ko naman. soft bubbles yata ung term ng iba haha. excited na ko sa pagsipa nya. 😂
may bubbling sensation sa tyan hehe minsan sa taas or baba ng belly button tpos pumipitik sia and kaw napapahawak nlng..cuteeee langg
aa ayunn po pala un hahaha 😆 may nrmdman dn ako nun parang may pumipntig s Tyan ko dlawang beses tas nwla hahaha
kagaya sya ng chair massage na meron din sa mga mall, kung pano yung feeling pag na mamassage yung likod natin, ganun din feeling pag naglilikot si baby.
same feeling prng my massager sa puson☺
nung mga 1st trimester ko parang wave lang pero pag nasa 3rd trimester ka na masakit na sipa ng baby ko parang inestritch nya yung loob ng tiyan ko hehehe
Parang nag aacrobat. Minsan sa may bandang puson nasipa minsan malapit sa pusod tapos minsan parang yung sipa tagos sa likod. Napaka active ☺️
Same tayo 18weeks sis. Diko sure kung galaw nya un pero may bigla minsan parang hangin na iikot sa ilalim ng tyan
Sakin sis oct18
17weeks n po ko, pero ndi ko p ramdam c Baby. kailan po b xa mararamdaman?
prang may kumulo sa tyan mo mommy tas sunod uutot ka gumalaw po si baby nun 😅
yun na pala yon ? sobrang worry kopa kasi parang wala akong nararamdaman, pero utot ako ng utot pag may kumulonsa tiyan ko yun na pala yon
Parang pumipitik at heart beat sa ilalim ng puson! 🤍😇 Tuloy tuloy nga e hahaha
Dreaming of becoming a parent