Anong month nagsasalita ng mga mamama dadada ang baby nyo?

Baby Babbling

14 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

pa 11mos na baby madami na siya nababanggit tulad ng mama,dada,nana,tata,baba,ate,ama,dede nagtuturo na din siya kong saan niya gumusto pumunta may 6 na dn na ngipin natatakot na dn sa salagubang🤣 kaya na niya identify ang manok, ibon ..magaling na din sumayaw kasama pa kamay favorite niya sayawin ung baby shark🤣🤣 pag sinabihan mo na ng dance dance sasayaw na yan ..mahilig gumaya sa mga natawa at pag may umiiyak ginagaya niya dn niya sabay tawa ..malakas kumain ng kanin kaso ngaun wala siya gana kumain kasi lumabas ung pang 5 at 6 na ngipin niya never siya nilagnat pag nagngingipin ..nakakaintndi na siya ng mga salita at pag ayaw niya nailing iling ung ulo ..favorite niya mag close open at pumalakpak ..share ko lang po

Đọc thêm
2y trước

nagtTV po ba Sya? or totally no screentime?

sa apat na naging mga anak ko iba iba ang development nila. mula sa pagsasalita hanggang sa paglalakad.. may maaga at may delayed like ung 3rd son ko 6yrs old cia nakapagsalita. ung bunso ko now na 3yrd old marunong na rin ng pailan ilan na salita. natutunan nia kay Ms. Rachel sa youtube. for 1-2hrs pinapanooran ko cia per day ayun englishera narin. 😂

Đọc thêm
2y trước

Siguro nga po dahil as in babad sya kaka nood sa youtube ng kung ano ano. Mas maganda po siguro kung sa tv nalang para hindi mailipat

maaga nag babbling si baby ko .. Pero yung talagang alam na niya kami yung mama at dad niya mga 7months.. at 10months " Mama Dedede" at aanimal sounds na din before 1year old.. maaga po nag salita si baby ko kasi books toys at kami lang pinapakinggan niya never po siya nag Gadgets

2 months babbling ng baby ko "mama" means milk nung 2 months at six months dede mama papa alam nya na and alam nya kanino i address. bird, star, moon, mickey, ball at 9 months. and marami na ngayong 1 year old sya

yung lo ko, pansin ko, mas active mag-babble pag fussy/ irritated. he's 8 months rn. ba ba ba ang madalas nya mabanggit. 😅

8 months baby ko nang banggitin nya. pero instead na ma-ma, om-ma. aliw nga kami kasi parang kdrama lang 🤣

9mos po baby ko nung nagMama sya. ngayon mag10mos medyo sanay na din magDadada and bababa. madaldal sya

8 mos+ baby ko, more on one or two syllables pa lang. talking to him often din.

Thành viên VIP

7months yung baby ko ang daldal na Pero iba iba naman po ang mga bata.

2y trước

nakakabigkas na po ng word na dadada. mga ganun?

Influencer của TAP

Hi sis, 5 months nag start mag mama dada baby ko