Umutang nag Demand part 2

Ayun nga mga momshie linggo ngayon dba kagabi palang nagbayad na sya nag ask pa magkano tubo kasi nga 6k inutang nya sakin. Sabi ko po wala na pong tubo yun. Hawak ko na pera sabi nya sakin bukas aah mga hapon kunin ko din kasi kaylangan ko ng pera din at inutang ko lang din yan. Nge! Sabi ko po. Hala ate hindi naman ako nagpapautang pinahiram.lang kita kasi walang trabaho asawa mo nun. Sya po.ano gagawin ko eh wala pa naman ako ng pera kung gusto mo akin na yan next month na.kita bayaran! So para hindi na kami mag away hahaha sabi ko nalang tingnan ko bukas te aah kapag pumayag asawa ko. Sabi nya . Papaya yun! ( mabait po kasi asawa ko) Linggo ngayon. Kaninang 4am nagpunta na ako palengke dahil po bday ng asawa ko at wedding anniv.namin magluluto ako kasi pupunta dito family ni hubby may sarili naman silang sasakyan.kaya no worry saka malapit lang din sila mga 1hour lang byahe. And nag grocery narin ako sa supermarket ng mga needs ni lo hahaha para isahang lakad nalang kasi yung sa palengke 5am pa.naman open saka mahaba pila kaya natapos na ko mamalengke ng 7:30 so yung supermarket 8am nag oopen naghintay na ko haha. Pag uwe po namin nakita nya yung trycicle sabi nya dami mo pinamili madami ata kayo handa bukas. Sabi ko po. Andyan din mga iluluto namin hanggang sa sahod ulit yan.. Makapananghali po hala nagpunta dito sa bahay sabi nya. Be kunin ko na ulit 6k next month na bayad aah. Sabi ko po. Hala be ubos ako ngayon kasi darating pamilya ng asawa ko nakakahiya namn kung makita nila wala akong handa kahit papaano eh pinamili ko narin mga vitamins dito sa bahay mga gamit. Sya:Dami dami mong pera mawawalan ka! Me: tingnan mo pa tong mga resibo oh sa mga gamot at vitamins palang naka 10k na ko,sa gamit at gatas ng anak ko ubos na kami.paano pa yung budget namin sa pagkain. ( lahat po kami dito sa bahay nag bavitamins ako anak ko at asawa ko pati narin yung mga 1st aide meron ako para hindi na ko lumalabas. Parang nagalit po sya sakto pagdating ng asawa ko andito pa sya sa bahay sa asaw ako sya nanghiram eh sabi ng asawa ko naku kay annie ka manghiram nanghihingi lang ako dyan. Aba eh nagalit kadamot daw namin chinismis pa kami kung saan saan. Hala sabi ko ate wag kang ganyan kasi nakakahiram naman kayo samin kapag meron kami.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hehe. Nabasa ko yung part 1 neto. At may part 2 pala talaga. Atleast ngayon di na sya makakaulit. Pagganyan sya ng ganyan sa ugali nya dadating yung time wala ng magpapahiram sa kanya. Happy birthday kay hubby mo at happy anniversary sa inyo. 😊