Smoker ako before I got pregnant, tas nag quit ako cold turkey nung nalaman ko na buntis ako. Tas ayun, di ko alam kung withdrawal or pregnancy symptoms naramdaman ko nun lol, ang hirap. Andaming articles online na maraming side effects ang smoking para kay baby kaya di na talaga ako bumalik.
Feel ko, ang best mong pwedeng gawin is lumayo sa mga nagttrigger ng stress mo, or maghanap ng ibang pwedeng gawin mga kamay mo, tas wag sumama sa mga taong usually kasama mo whole smoking. Na-condition na kasi yung utak mo na stress=yosi, so medj mahihirapan ka talaga.
Baka basa nalang ng articles sa google tungkol sa smoking while pregnant ganun, para ma-discourage ka, ang isipin mo na ang pinaka best na pwedeng gawin mo for your baby now, is to take care of yourself first.
Lia Bal