Ok lang ba?

Ask lg po if ok lang ba palaging nakahiga sakin si lo pag nilalapag kona siya maya maya iiyak din pero pag naka dapa siya sa dibdib ko ang himbing ng tulog niya kahit maingay kahit po gabi sa dibdib kopa din siya natutulog 1month& 2weeks pa lg po si baby ok lang po ba yun? #restpectMyPost #1sttime_mom

Ok lang ba?
16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Experience ko po yan lately, my baby is going 3 months old na this coming 12.. Pero nakakapagod sya like entire night ganyan, nong una okay lang naman sa akin kasi feel na feel pagiging mommy, kaso mabigat kasi sya for her age, maliit akong babae kaya masakit talaga sa back and arm. But kong magaan lang naman timbang ni baby go for it momshie.. I am sure naman aware ka naman kapag hawak yung baby mo while sleeping, hindi naman tayo gagawa ng ikaka harm ng baby natin make sure lang hindi natatabunan ang ilong, para makahinga. But for me, need to train my baby to be independent din kasi kaya ngayon instead nilalapag sa bed namin, co-sleep pa din but nasa crib na siya, trial ko lang naman to hehehe, if this will work balik ko ulit sa tabi namun Yung mga babies kasi comfort zone ang chest ng mommy, kaya nahihimbing kapag karga at nakadapa sa chest. As long as may safety precaution kayo. Go lang momsh

Đọc thêm

normal mi. although nakakapagod kasi walang babaan. natuto nalang akong matulog ng nakaupo tapos yakap si baby kesa naman pag ilalapag ko iiyak, uulit nanaman sa kakahele.. pareho lang kami nahihirapan 🥲 mga 6mos na siguro baby ko nung nakkatulog na sya ng di ko yakap pero dapat pag naalimpungatan sya dapat makikita nya ko or else iyak malala. 1yo na sya and ganun pa din. minsan nakaka frustrate kasi wala kana magawa kundi bantayan pero at some point nakakaguilty kasi ang alam lang naman ni baby is ako ung comfort zone nya. as per my mom, kung ano ung nararanasan ko sa anak ko, ganun din sya sakin noon. di rin sya naniniwala sa lumaki sa buhat.. iba lang daw talaga ung bond lalot breastfed. kaya din siguro ngayon na adult na ko, comfort zone ko pa din mom ko 🩵

Đọc thêm
1y trước

salamat po♥️

momshie if your breastfeeding pagkatapos po ng pagdede e ipaburp po for atleast 20mins...bka po kc mmya s pagod ng pagbantay at pag-aalaga kay baby e bigla po ma-aspirate Yung bata Ng Hindi namamalayan n ppwede ikamatay po ng bata... this position is a great bond between a mother and his/her child...yes ppwede po eto..this position seen in KMC (kangaroo Mothercare) for those babies below 2g but... always be cautious lalo nat 1month old p lng po c baby...bka naiipit po Yung ilong habang nagbbreastfeed at bigla nkatulugan ni baby ang pagsuck... if Kaya niu po ilapag po sya nang Hindi ngigising (lying on his back) the better .. the safest position... mabuhay po kayo momshie and welcome to the community

Đọc thêm

same sa baby ko mi. lalo na sa gabi. gagalaw lang ako ng konti iiyak na. ang ginagawa ko pinapakiramdaman ko pag malalim na tulog nya tapos nagpapaalam ako. sinasabi ko "Baby lalapag ka na ni mommy ah, good night, sweet dreams, sleep well, I love you". tapos dahan dahan ko syang ilalayo sa katawan ko habang nag si-shhh. if magising sya back to step 1 pero pag hindi dinederetso ko na agad sa higaan nya. tapos ipapatong ko yung hands ko sa dibdib nya ng ilang mga minuto habang nag si-shhh. Siguro another thing that helps me is nakatabi sakin sa higaan yung crib mattress ni baby, para kung magigising sya makikita nya ko agad. So far hindi naman sya umiiyak ng malala sa gabi. tamang iyak lang para magising ako

Đọc thêm

contact naps ang tawag dyan, mas gusto ng mga newborns yan, mas masarao ang tulog nila and feel at peace and comfortable and that's okay according sa pedia namin. baby ko nun ganyan din untilag 3months old sya. tiis lang talaga. wag ka lang matutulog na nakaganyan sya sayo kasi mahirap na di mo mabantayan pag napaling ang ulo at di mo napansing nahiraoan nang huminga. baby ko 5months old na and naovercome naman na nya ang ganyan. nailalapag na at kusa na rin syang natutulog pag nailapag na.

Đọc thêm

ganyan din baby ko lalo na sa madaling araw pero kahit paabo naman naiibaba ko sya sa higaan nya pero mas himbing sya sa dibdib ko,kailangan ko lang din sya sanayin n matulog n sa higaan nya kc nasakit dibdib ko n parang hindi ako makahinga kapag matagal n sya nakahiga sa dibdib ko mabigat na din kc sya kaya minsan sa tyan ko na lang sya inilalagay or yakap ko sya tapos nakahiga sya sa unan habang nakatagilid ako nakaunan sya sa braso ko

Đọc thêm
Influencer của TAP

Same experience mi, kaya salitan kami ni husband nung ganyang months. Kaunting tiis lang mi, isipin mo na lang, 9 months syang nasa tyan mo lang, nandoon lahat ng needs nya, comfort nya tapos bigla syang lalabas. Nakakatakot talaga. Watch mo na lang mi yung ulo nya, dapat hindi natatakpan ang nose nya. You can try swaddling din. Ibaba mo sya kapag tulog na tulog na, yung bagsak na ang kamay na kahit igalaw mo hindi na nagigising.

Đọc thêm

clingy baby lalo na pag breastfeeding 😅 may LO ganyan din until 3 Mos siya kesa mapagod kayong dalawa. But be cautious lang pwede kasi siya maaspirate pagnakadapa siya. make sure na naburp siya at elevated kayo matulog and ingat din baka mahulog. Enjoy the moment nalang mommy minsan lang silang baby May LO is 2years old na and still wants na nakadapa sa dibdib ko 😅still bf pa din 😁

Đọc thêm

Ganyan din baby ko mi around that age. You might want to research on “contact napping” kasi may ganung phase talaga ang mga babies. Nakakapagod yan and feeling mo di ka productive sa bahay pero sobrang sarap sa pakiramdam.

ako naman by experience sa baby ko mula 1month gang ngayon na mag 3 months na sya, nakakatulog baby ko sa dibdib ko ng 1hr.mnsan higit pa sa 1hr eh..nakakatulog dn ako na magkayakap kami..ok naman sya