SSS Maternity Benefit

Ask lang po. Paano po mag file ng Mat1 sa online? Kailangan po ba naka voluntary or self-employed ang member status? Paano po kung naka employed pa po ako sa dati ko work? Nung Dec2019 pa po ako resign, hindi pa po naupdate ng accountant ng dati ko company ung member status ko sa SSS. Nagpunta na po kami last friday sa SSS binigyan lang po ako ng guard ng form Member Data Change Request at Maternity Benefit Application. Ok na po ba un para mag change ung member status ko from employed to voluntary? Hindi po kasi nila pinapapasok ang buntis, dahil high risk daw po. Hindi po ako masyado nakapag tanung. Or kailangan po maghulog ako para po maging voluntary ung member status ko? Anu po ba step by step procedure? Pahingi naman po advice. Thank you po. #advicepls #1stimemom #respect

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Mag pa Change to voluntary po kayo. Then,Magbayad kayo khit yung pinakababa lang para ma change lang status mo then wait ka ng 3-4days para ma change yun sa system tapos pwede kna mag submit nag MAT 1 notif mo.

4y trước

Specimen Signature Card. Alam na ni employer mo yan :)