..
Ask lang po. Masama po ba kung almost 6 month ng buntis tapos never pa nag papa check up?
Hi Mommy! Pacheckup kana. Kase ako 4months ko na nalaman na preggy pala ako. E hindi ko naman naisip na buntis ako kase normal saken ang delay ang mens, minsan 3 mos tapos last year 2x lang ako dinantnan. At ayon nga pagdating ko sa clinic NAPAGALITAN ako ng OB ko kase may mga vitamins daw na dapat na natetake ko on my 1st trimester. Vitamins para sa development ng baby natin. Lalo na yung brain development. Go na ikaw mommy sa OB!
Đọc thêmMasama po yan yung pnakamali na ginawa ko noon sa first baby ko dahil sa takot ako sa mga injection at kung ano ano pa mas malala pa pala nung nanganak ako masyado lumaki baby ko at nagka infection sa dugo nahawa sakin sa uti kaya mahalaga ang prenatal check up kc kayong 2 ng baby m ang mahihirapan kaya ako natuto na ako oaya ngyn sa 2nd baby ko monthly check up na ako at nag vivitamins.
Đọc thêmYes, kasi dapat the moment na nalaman mo na buntis ka na eh nagpacheck up na para maresetahan ka ng vitamins na need sa development ng anak mo. At para na din sayo so that your body can cope up sa changes na dala ng pregnancy. Malalaman mo din kung ok ba ung panubigan mo, etc etc. Ano ba ang reason for the delay? Grabe kasi eh ang tagal na bago pa maisipan magpacheck up
Đọc thêmYes mamsh lalo at may mga vitamins at mga vaccines sayo throughout pregnancy para healthy kayo pareho ni baby. Yung ka-work ko never nagpa-check til 4 mos na tyan nya tapos biglang sinugod sa ospital, ectopic pregnancy pala. Very important mamonitor kayo ni baby kaya ako after a week na delayed at positive na PT, nag consult na ako agad sa OB. Have a healthy pregnancy, mamsh!
Đọc thêmKung may angry reaction lang dito sa apps na to. Hay nako. Kapabayaan na yan. Bakit ko nasabi? Unang una may mga health center jan na libre( minsan mgbbigay pa ng libreng vitamins) sa mga public hospital meron din. Hay nako . Kawawa nmn si baby mo dapat parehas kayong malakas lalo pag manganganak kna😑😡
Đọc thêmDi din ako naniniwala yung di ramdam na buntis. Jusko 2months palang na delay dapat naalarma kana kung active kapa sa sex or may asawa kna, dapat ng PT na ( 35 lng sa Generiks) ! Kpabayaan lang yan.
Just should go ASAP. Yung sister ko 5 months na sya nung nalaman nilanh buntis sya haha pero thanks God kasi super healthy nung baby at hindi talaga sakitin gaya ng expected kasi super late na nga nya nalaman. Buti pala kain talaga sya ng gulay kaya kahit papaano ay may nakakain si baby nung dipa nila alam.
Đọc thêmOo momsh. Importante yan. Sa center libre naman eh. Kasama na dun yung vitamins. Dapat nung alam mong buntis ka nagpinta ka na sana. Kase kung ngaun ka pa lang magpapacheck up eh mapapagalitan ka nila. Yung ibang ospital kase at center ganun. Sa ganyang buwan na din malalaman ang gender ng baby mo.
Đọc thêmDi naman sa masama. Pero kc kya ka mgpapa check up para maresetahan ka ng vits which is kelangan ntng mga preggy to support development ni baby. Pero kc kht ako ngttanong sa sarili ko. Bakit ung mga nkatira sa bundok na wala naman silang check up at vits na iniinum ok nmn ung mga pnapanganak nla dba?
Đọc thêmYes. Hindi mo alam baka may abnormality baby mo. At baka hindi ka tanggapin ng hospital kung wala kang dalang mga check up mo. Pa check ka para malaman kung normal delivery ka or kailangan mo ma CS. At kung normal ba baby mo, normal dugo mo or mismo yang placenta mo.
Magpacheck up ka na lng momsh, need mo ng vitamins na need ni baby like folic acid, calcium at ferrous. Sobrang need yan ni baby folic and ferrous kc baka magaka deficiency baby mo. Kht center lng momsh. Para rin mamonitor size ng baby at heartbeat na sobrang vital.
Got a bun in the oven