Sss
Ask lang po EDD ko po os January 2020 paano po yung sa SSS ko gusto ko po sana ipagpatuloy para may makuha ako since nastop na pp hulugan last july 2017 employed pa po ako nun , paano po kaya process nun
Momsh saw this on one of our post here, I hope this helps you too 😉 FAQ on SSS Maternity Benefit under the Expanded Maternity Law Ang Expanded Maternity Law ay effective mula March 11, 2019 1. Meaning lahat ng nanganak ng March 11, 2019 pataas ay makakapag avail ng mas malaking benepisyo. Dati ay 60 days ang Normal Delivery at 78 days naman sa Ceasarean. Ngayon ay naging 105 days na ang Benefit Normal man o Ceasarean. 2. Regardless kung Employed/Voluntary/Self Employed/OFW o Non Working Spouse ay pwedeng magclaim ng SSS Maternity Benefit. 3. Kung nalaman mong buntis ka, magpasa ng SSS Maternity Notification o MAT1 sa SSS. 4. Dapat at least may 3 hulog ka sa loob ng isang tao bago ang semester ng iyong panganganak para ma-qualify sa SSS Maternity Benefit. 5. Pwede kang mag-apply ng Maternity Benefit kasal man, living in, o single mom ka. 6. Ang babaeng SSS member lamang ang pwedeng mag apply ng Maternity Benefit. Kung ang asawang lalaki ang miyembro ng SSS at ang asawang babae ay hindi, walang makukuhang maternity o paternity benefit. 7. Ang number of days ng benefit ay: * 105 Days sa Normal o CS Delivery * 60 days sa Miscarriage o Ectopic Pregnancy * 120 days kung Single Parent 8. Wala nang limit kung ilang panganganak. Dati ay hanggang apat na pregnancy lamang 9. Obligado na sa bagong batas na ibigay ang differential salary sa empleyado. Kung 30k ang sahod mo kada buwan at kung ang nakuha mo lng s sss ay 16k as maximum as of now ay ibibigy nila ang kulang base sa iyong sahod 10. Ang Maternity ay isang Beneposyo mula sa SSS at hindi Loan. Libre itong ibibigay ng SSS basta qualified ka at nagsubmit ka ng required na dokumento. 11. Kung may kasalukuyang utang ka sa SSS ay hindi ibabawas ang iyong loan balance sa makukuha mong Maternity Benefits 12. May option kang itratransfer mo ang 7 days sa ama ng iyong anak (98days lang babayadan sayo) 13. Kung nakapanganak ka na ay hindi mo na kailangang magpasa ng MAT1 (kung sa lying in o bahay ka nangaanak ay subject for investigation pa ng SSS) 14. Kailangan mong mag open ng Account sa SSS Accredited Bank para diretso na sa ATM idedeposit ang Maternity Benefit mo at hindi na cheke ang ibibigay. 15. Sa ngayon ang maximum na makukuha ay 70k since 20k na highest MSC sa katumbas na 2400 a month na contribution
Đọc thêmPareho tayo ng edd, kaya lang ang last hulog na cocomputin nila july. Atleast 3 months dun sa coverage period. Tapos na e, ewan ko lang kung pwede mo pa bayaran ung mga nakaraang buwan. Pero kahit may hulog ako ng 6 months tuloy tuloy pa din hulog ko. Punta ka nalang sa sss.
Ay mommy baka di ka na umabot. Jan 2020 din edd ko parang need nila ata may hulog ka ng certain month from 2018 until 2019. Confirm mo nalang po agad sa mismong branch if makakahabol ka pa po ng payment. Sayang po kasi yung makukuha din.
October 2018 to september 2019 po ang dapat na may hulog ka. Pde mo pa po bayaran ung july to september para makahabol kpa, punta kana po sss. Dala kalang po id at ung ultrasound niyo po
Hindi na po, ako nagtanong na dapat july 2019 pa abot sa edd na january 2020. Same tayo ng edd sabi hindi na raw hahabol sana ako eh
Jan2020 due date Dapat may hulog po sa Oct2018 to Sept2019 atleast 3mos sa coverage. Ihabol nyo nlng po ang July-Sept2019.
Ito dapat po ang nahulugan mo para maqualified ka sa sss maternity benefits.
Thnks
Mag hulog po kayo sa srili niyo
❣️First time Mom❣️