Bawal mag Ninang sa binyag ang buntis?
Ask lang, mga mommy! Gaano katotoo itong "bawal mag Ninang sa binyag ang buntis." Ayaw ako payagan ng mother ko mag anak sa binyag, dahil bawal daw ito? Anong masasabi ninyo?
wag po masyado magpapaniwala sa pamahiin. mas lalo po kayo mastrestress hehe OB lang po pakinggan ninyo
sa totoo lang po ngayon ko lang to narinig. meron palang ganitong superstition. bakit daw bawal po?
Bakit naman? Nakapagninang ako nung 2 months preggy ako sa panganay ko. Wala naman naging prob.
Bawal rin daw mag attend ng binyag kapag ikaw ay buntis, kasi mag kakadaigan daw ang mga baby.
jusko ito nanaman tau sa mga pamahiing wala namang nangyayari kahit di mo sundin ..
Pamahiin lang po. Sabi nila kasi dapat si baby mo ang una mong iwelcome. ☺️
Kasabihan Kasi ng matatanda, wala naman masama kung maniwala.
sabi din dito samin bawal daw . sinusunod ko nalang .
Kasabihaan ng mga kapampanggan din yan
kasabihan po kc...bakit nga ba bawal