May Lawyer Po Ba Dito O Nag Aaral Ng Law?
Ask ko lng po, sa sitwasyun ko po kasi di pa kami kasal ng tatay ng anak ko, so bale po yung last name ni baby ay sa akin po muna, tapos po after ng kasal po namin ipapa transfer po namin sa last name ng tatay.. Matatagalan po ba yung proseso nun? O mabilisan lng po? Magastos po ba? Magagamit po ba ni baby ang last name ng tatay niya? Pasenxa na po sa mga tanong kung magulo o madami. At salamat po sa sasagot.
Ganyan nangyari samin sa 2nd child namin, abroad ang asawa ko nanganak ako wala sya dpat late registered kaso napare histro ng lying in clinic sakin naka apelyido, unknown father sa birth certificate then nagpakasal kami 6yrs old n ung anak nmn ng ipalipat nmn, pag nagpakasal na kayo punta ka ng munisipyo sa civil registrar kung san mo pinanganak ang anak mo, may ibibigay cla sayo na papel kung anu ang requirements, after nun pag complete na ang requirements ipapasa mo yun sa civil registrar aayusin nila yun, then pababalikin ka nila pag ok n sa civil registrar, i papa LBC mo yun papuntang PSA office tpos may date na ibibigay sayo kung kelan ka pupuntang PSA office at magbabayad ka dun, may ibibigay ulit na date sayo kung kelan mo marerelease ung birth certificate ng anak mo na may nakatatak na sa gilid ng acknowledgement na naka apelyido n sya sa tatay nya, hnd nmn po 1k per letter ang bayad, ang magagastos mo lang is ung bayad sa pagpapagawa ng affidavit sa abogado, ung payment sa mga doc. Na need nyo irequest sa PSA, kht kasi kasal n kayo need parin ng cenomar tsaka ug payment na sa PSA birth certificate ng anak mo
Đọc thêmYung sa baby ko Nagawa na bc nya. Dapat kasi pag uwi pa ng partner ko kaya lang naayos na ng ospital. So ang ngyari nilakad namin sa cityhall para magamit nya yung apelido ng partner ko 1 month namin bago nakuha Ang panget lang kasi authorisation lang sa gilid naka lagay na pumapayag sya na ipagamit yung apelido nya.
Đọc thêmMommy pwd npo pagamit apelyedo ni daddy kht d kau kasal. Ng mangank aq s pangany ko d p kmi ksl ni mr. Pro sknya n nka apelyedo ank nmin may bnbgy nmn ang hospital na fillupan at affidavit pra magmt apelydo ni mr nyo kht d kau ksl. Bsta both of u magpipirma po.
Ang sad part kasi mommy wala dito si daddy. Nasa barko. Kaya di rin sya mkaka sign at mkaka fill-uo. 😭😭
Hanap ka lawyer then mag file kayo ng affidavit of paternity ganun ginawa namin then pinasa sa registrars office sila na balaha mag forward sa PSA pero kailangan nyo pa mag wait ng 1yr para mag process nun. 200 php lang nabayaran namin para sa affidavit
Kahit kasi naka apelyido si baby sa daddy nya kung di kayo kasal consider as illegitimate parin ang bata, yung panganay ko pinanganak ko ng d pa kami kasal naka apelyido sa asawa ko pero after nmn magpakasal inayos parin nmn para ipa legitimate,
Dpo ako lawyer base lang po ito sa experience ng mga kakilala ko na ganyan ang case. Paderetso nyo nalang po para dna masyadong maraming proseso iaacknowledge din naman po pala. Mahal po kase pagittransfer pa.
Hi po. Ganito po kaso iyon okay lng po sana kung andito iyong tatay so oki lng na ipa deretso.. Nasa barko po kasi siya ee. Kaya hindi siya mkaka sign. Dba po need ipa sign yung live birth sa knya.
Yung anak ko sa father nya yung ginagamit nyang surname. Need lang ng pirma ni hubby pag niregister. Sa palagay ko mas mahal yata yung bayad sa change surname kesa sa change status ng parents.
Or ilate register nyo nalang kung gusto nyo naman mauna magpakasal. Kaya lang wag masyado matagal kase pagkakaalam ko may bayad na yun mejo mahal
may kakilala ako na lawyer sabi po niya siguraduhin mo muna na siya na talaga yung makakasama mo forevs kasi mahabang proseso po yun :)
Forever Grateful To God