Bakuna
Ask ko lang san mas ok mag pa bakuna hospital na mahal ang bakuna o sa mga brgy. Health center? Ano po ba pinag kaiba ng bakuna ng health center sa bakuna ng hospital maliban sa price kasi mahal sa hospital ee.
Same lang po mommy kaso po hindi po lahat available sa center po. Check nyo lang po mommy kung ano available sa center nyo po then yung iba sa hospital or clinic na po. Hanap po kayo ng mura or ask po kayo recommendation sa mga mommy friends nyo po kung saan po may mura vaccines sa area nyo po
Para sa akin, mas kampante ako magpa check up at magpa bakuna sa Pediatrician ng aking anak, dahil na rin nasusubaybayan nya ang pag laki nito. Kadalasan ang pagkakaiba ng Bakuna sa Private Clinic or Hospital kaysa sa Barangay Health Center ay brand ng bakuna. Kaya minsan mahal dn sa Hospital.
At 1st pedia then sa health center na for the 1st year. Laking tipid, pareho lang naman at yung mga wala o kulang sa health center, saka na i-pedia. Hinayang ako na sa eldest ko puro pedia na pwede naman for the 1st year sa health center na lang sana kaya kay bunso, 1st year health center na.
sa pagkakaexplain ni pedia, pareho lang naman sila, branded lang ang sa pedia clinic. meron kasi from health center na nag iikot sa subdivision namin na nagbibigay ng vaccine kaya bago kami tumanggap, tinatawagan namin si pedia and sinasabi nya sa amin na sige go or meron na si na baby.
same lang naman po mommy. brand lang po pinagkaiba. no hassle din sa pedia kasi hindi kayo maghihintay sa pila. if you want to know more information about bakuna. feel free to join our fb group Team BakuNanay, just answer the 3 membership questions po www.facebook.com/groups/bakunanay
Mommy, pareho lang po sila, nagbabago lang po siguro yung facilities sa hospital vs sa brgy. health centers. Maganda po ang advice ng ilang mommies, check nyo po kung ano pwede mabigay na bakuna ng Health Center at yung iba na hindi available ay sa pedia or private clinic na lang.
Sa case ng anak ko lahat ng available vaccines sa health center inavail namin, kung ano lang un wala sa pedia namin sya pinavaccine.. Ang sabi naman ng pedia namin, walang problem kung sa health center magpavaccine, ang importante complete vaccine sya.❤️
They're both effective. Masgusto ko lang sa private, you can contact your pedia almost anytime vs sa health center na minsan may sched lang kelan may pedia. Yung convenience na yun malaking bagay for me lalo na kung emergency or may kailangan ako itanong.
Sa health center po kc ang binbigay nla, kumbaga sa gamot generic xa while sa hospital or clinic branded xa.. den sa helath center u will wait kung kelan available which is d pratical kc my mga vaccine na need ibgay at specific age lng ni baby.
Hi Mommy same lang naman po ang bakuna sa private pedia or center. Magkaiba lang siguro sa brand pero yung bisa isa same lang po. Mas praktikal kung sa center po pero pwede mo po kunin ang ibang bakuna sa private hospital na wala sa center.