Advice pls
Ask ko lang po. Yung mga pinamili kong damit ni baby nilabhan ko na po. Pwede ko po ba siya manlawan ng downy? Ok lang po ba yun sa newborn baby?
There's a lot of brands nang fabric conditioner and laundry detergent for babies. You could check sa malls and supermarkets. Affordable din iba. Your lo's skin is still too fragile and sensitive to be exposed to harsh chemicals nang average detergents. Here are some brands na pwede mo gamitin na detergent and iba may fabric softener din. Eg. (Smart steps , tiny buds, cycles, human nature, enfant, johnsons, nature to nurture, perwoll, pigeon, dreft, chicco, victoria and perla na original white ) usually department store baby section marami. You could also check sa shoppe or Lazada. 😊
Đọc thêmI highly recommend not to use products with artificial and strong fragrances... my experience with Downy Baby back then was it has a strong scent which I do not like personally. There’s a lot of FabCons Available in the market which has fewer and all-natural Ingredients :)
wag na po mommy, makakasama po yan kay baby. developed na po ang sense of smell ng newborns kaya as much as possible wala dapat strong scents around them. kahit kayo ni hubby iwasan muna gumamit ng pabango.
Hi mommy. Don’t use downy for newborn clothes baka magkarashes or allergic reaction sha to it. Enough na yung ginamitan natin ng baby laundry detergent ung damit nya.
Depende sa baby yan...usually my mga baby detergent and baby fabcon kasi mas lyt ang amoy and merun din hypo allergy...gastos nga lang but karamihan sabe perla is fine
sis much better if u use detergent powder for baby. meron sa mga baby company like cycles or tinybuds. i’m using cycles til mag 1 yr old ang baby ko ☺️
May Downy pong Sensitive, pang baby po sya alam ko. Pero kung gusto nyo makatipid, Cycles po gamitin nyo. Mabango po sya no need na ng fabcon. 🙂
Okay lang yan basta konting downy lang. Nung nilabhan ko damit ng newborn ko nilagyan ko konting downy para lang lumambot. Okay naman siya.
di po inaadvise for newborn pero kung gusto mo talaga sis, meron na downy for babies. mild lang amoy nya, wag mo nalang din damihan.
I think you should use a mild fabcon na pwde for babies clothes meron naman po non sa mga grocery. Masyado mabango ang downy kasi.