Talong pwed ba sa buntis?
Ask ko lang po, mga mommies kasi pagod nko sa pamihiin na yan , pwede po ba talaga ang talong sa buntis? Tortang talong po kasi ang ulam ko ngayon 😂 pwede poba ? Im just 14 weeks pregnant din po
Ako na pinaglihian ko yata ang pritong talong, sinabihan ako ng byenan ko na bawal baka daw magbutlig butlig si baby, sabi naman ng OB ko at Lola ko na retired midwife, ayos lang basta walang allergies at lahat ng kinakain/ kakainin in moderation..
Gusto ko dn ng tortang talong pibag bawal ng byenan ko kaya sabe ng asawa ko wag daw kasi baka magka ron ng skin discoloration pamahiin daw... ako naman takam na takam sa tortang talong nag Google ako sabe pwede naman daw kaya kumain ako ahahhaa
nakakaloka, ganyan din nanay ko. ayaw ako pakainin ng talong kasi magkaka butlig daw anak ko pero pag binasa mo naman sa goggle pwede naman kumain ng talong ang buntis.😅
yan po ang pinaglihian ko .taga laguna po ako ang pinaglihian ko talong ng samar kaya umuwi pa ung asawa ko sa probinsya nila sa samar para kumuha mg talong na punggok🤣🤣
para skin wag Po kayu Kumain Ng talong Lalo na Yung torta Kasi Yung pinsan ko pinag lihi sa talong pag umiiyak sya na mumutla at nahiging violet Yung mga kamay at paa nya
yes po. pinaglihi aq ni mama sa talong.. once a week din aq kumakain ng tortang talong or pritong talong sa pagbubuntis ko ngaun.. 35 weeks na aq 😁
pwedi naman yata mii ako nga kumain ng pritong talong. di ko na pinansin mga pamahiin 😅 basta natatakam ako sa pritong talong.
gustong -gusto ko yung talong lalo na pag prito,kaso nung 1st trimester ko hanggang ngayon pinagbawal sakin ng ob ko na kumain ng talong.
sabi nila bawal pero chineck ko bawal talaga hindi dahil sa pamaihiin, pero may contain kasi si talong na makakasama kay baby
aq na ngtiis ndi kumain khit gusto gusto q nun ...mgkakaron daw kc n balat n kulay green hehehe kaya sumunod lang s mga pamahiin 😬