total bed rest po ang advice ng OB ko sakin nung preggy ako, pinagbawalan din niya ako mag akyat-baba sa stairs, pinag-take ako ng duphaston(3x a day) nung first trimester ko for 2 weeks, and kapag may spotting ako, nagte-take ako kahit once a day for 1 week ganon po.
8weeks po ako now. 4weeks palang umiinom na ako pampakapit and tuloy pa rin hanggang matapos 1st trisem. Bukod po sa may hemorrhage ako, mahina daw po kapit ni baby. Pero sa last utz ko po 8w1d, normal heartbeat ni baby. Currently bedrest rin po ako 1.5months na.
Depende sa sinabi ng OB mo mommy. Ako kasi nung buntis niresetahan ng dalawang pampakit kasi hindi talaga makapit si baby. Pero hindi naman ako pinagbawalang bawal lumabas and kung lalabas man, doble ingat po ako.
Depende po sa sitwasyon nyo ni baby mii. Kung maselan bawas bawas galaw nalang para iwas rin sa pahamak si baby.