Utang na d nabigay
Ask ko lang po kung dapat ba ko magalit sa asawa ko... ganto po kasi yun nung bagong kasal lang kami gusto nya bumili ng motor. Gusto ko sana magipon muna para d na huhulugan kaso 30k palang ipon namin. Nagmamadali sya at kelangan nya dw sa work kaya ang ginawa nya umutang sya sa kuya nya worth 20k para kalahati idadown then kalahati hulugan. Nung nagkabonus na kmi inabot ko na yung 20k para sana ipambayad at ayoko talaga ng may utang. Inabot nya yung 10k at tinabi nya yung 10k mapera namn dw si kuya nya at d nagmamadali. Hinyaan ko sya binili nya ng orig na helmet tig isa kami pati mga safety gear kasi mahilig bumyahe. Nung nagkapera ule. Ngbigay ule ako 10k by the way ako po humahawak ng pera namin. Kaso eto pong binigay ko hindi pala inabot sa kuya nya. Alam ko wala n kming utang yun pala binigay nya sa papa nya nagtayo ng business at nagambagan dw sila. Hindi ko alam n wala nmn palang balak magbayad ng papa nya at thank you lang pla un? Hello an laki ng 10k ah para d isauli... naiinis talaga ko ngkautang pa tuloy kami dahil sa papa nya. Kaya naiinis ako sa pamilya nya. Wala n ngang binigay nung kasal namin nanghihingi pa. Nalugi yung business pero nagbibigay pa dn yung asawa ko ng palihim kaya minsan nbabadtrip agad ako eh.