Hello, ask ko lang po kung bawal ba magninang ang buntis sa binyag ng baby? Nasabi kasi ni mama na bawal daw ang mag ninang kasi mag aagaw ang buhay ng binibinyagan pati yung baby sa tiyan tapos pati daw yung swerte. Nagresearch naman ako kung pwede tumanggi kapag buntis. Ang nabasa ko pwede daw lalo na kung maselan ang pagbubuntis tapos hindi kakayanin yung seremony ng binyag. Maselan pa naman ako kasi may subchorionic hemorrhage ako.. Friend ko rin kasi yung kausap ko atsaka napakatagal na nya sinabi na magninang ako hindi pa ako buntis noon pero iba kasi ngayon, talagang bedrest lang ako.