Ako po. Naranasan ko po magkaroon ng vaginal bleeding. Ung parang regular mens tapos dark brown ung kulay ng discharge. Akala ko wala na ung baby ko that time. Iyak ako ng iyak. Hanggang sa tinakbo kaagad ako sa doctor. Noong chineck si baby, may heartbeat naman daw kaso napaka hina ng kapit nya. Kaya binigyan ako ng heragest at isoxilan ni doc, 2 weeks un. Tapos complete bedrest. Saka lang ako tatayo kapag maghihilamos, mababawas at iihi. Nag arinola din ako noon. 3 days after nagsimula lumabas ung madaming dugo, unti unti naman na nabawasan ung bleeding. 2 weeks after ng bedrest ko, balik kaagad ako sa doctor. Ayun ok naman na daw si baby, pina ultrasound nanaman ako ulit, para ma sigurado na walang hemorrhage si baby. Ngayon 5months na si baby.
Đọc thêm
Hoping for a child