Movements Ni Baby

Ask ko lang po bakit kaya ganon, hindi ganon ka active si baby sa tiyan ko😭 6 months na ang tiyan ko pero hindi ko ganon maramdaman ang movements nya and minsan ko lang sya maramdaman. 6 months na ang tiyan ko eh. May nabasa ako dito na mga mommies na sa sobrang likot daw ng baby nila ay sumasakit ang tiyan nila pag gumagalaw si baby. Samantalang sakin hindi naman ganon yung nararamdaman ko :( nag aalala lang ako. Edit: Eto po pala yung result ng ultrasound ko nung nag pa ultrasound ako nung 19 weeks lang ang tiyan ko. Pero ngayon po ay 23 weeks na po ang tiyan ko kaya nag aalala ako sa movements nya lasi hindi sya ganon magalaw. Sabi naman po ng OB normal lang ang result, pero nag aalala pa din ako sa movements nya

Movements Ni Baby
24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy, nakapagpa-pelvic ultrasound or Congenital Anomaly Scan (CAS) ka na po ba? Kung hindi pa, I recommend you have it done ASAP para mapanatag ka. Ako po baby ko hindi rin masyadong malikot kahit ngayong pa-7 months na kami. isa pa, anterior ang position ng placenta ko (meaning nakapagitan 'yung inunan sa tiyan ko at kay baby, so kumbaga may kutsong nakaharang sa paa niya kaya 'di ko masyadong feel ang sipa niya). Napa-praning din ako dati as early as 5 months ineexpect ko na 'yung likot niya pero wala. After CAS at 6 months, napanatag ako kasi bukod sa normal si baby (no defects seen at scan), kita ko sa ultrasound kung gaano siya kalikot talaga. Ngayong pa-7 months na kami mas naging consistent siya sa likot. Pero there are days pa rin na unusually quiet siya. Bumili nga rin pala ako ng home fetal doppler para anytime mache-check ko heartbeat niya 😊 Ganon ako ka-praning sa first baby ko, mommy 😅 Anyway, ayun ang mga recommendation ko sa'yo para mapanatag ang loob mo. Have baby scanned and kung kaya ng budget, bili ka ng home fetal doppler (I got mine secondhand from a friend, pero nasa 800-1k php lang 'yun sa Shoppee).

Đọc thêm
5y trước

@momsh eimee- true sis. Parang nag du-drum sya sa tiyan. Kahapon ang hyper, ngaung chill lang. Laking tulong talaga ung doppler sis ,bti ok ke ob na gamitin. Pag di sya active, doppler dn agad ako. Mag 27w ndn ako💜

@Mommy Eyahhh -- Maliit pa masyado si baby @ 19 weeks mommy kaya 'di mo pa feel masyado. Pero alam mo once na lumaki-laki pa siya, dahil posterior placenta ka, mapi-feel mo ng bonggang bongga ang movements niya 😁 Kalma lang mommy, sabi nila may mga batang hindi talaga malikot kahit na normal naman sila (tingin ko this is true for my baby). Please don't overthink, makakasama 'yan sa'yo at kay baby. Pray lang at tiwala sa itaas. Saka suggestion ko talaga bili ka home fetal doppler para anytime, anywhere ma-check mo heartbeat niya.

Đọc thêm
5y trước

Okay po thank you po mommy, ayan po yung ultrasound ko pa nung 19 weeks pa lang po ako, pero ngayon po kasi 23 weeks na ako at hindi ko sya ganon maramdaman kaya po nag aaalala po ako. Hehe salamat po

Thành viên VIP

Gnyan din po ako nun 6mths sya di sya msyado magalaw pero nung nag 7mths hanggng ngayun 32wks and 4days nko grabe ang likot nya 😍 . Minsan sya na nggigising skin minsan sobrng skin sa right side kc yung pang sipa nya umiikot sya 😂 .. atleast gumaglaw po sya everyday .

Kausapin mo si baby mamsh. Nakakatulong un. Tapos hawakan mo lang ng madahan tiyan mo habang kinakausap mo. Nagkakaron kasi ng ibang pattern na ang pagtulog ng baby pag 6 months. Either pag gising ka,tulog siya o hindi mo lang maramdaman ung galaw niya.

Ganyan din PO baby ko dati 7months nga PO eh bihira Lang sya maglikot pero pag maglikot nmn eh masakit at bukol talaga .. ngayon po 1yr old and 6 months na sya di ko na mapigilan Ang kulit likot super 😅 don't worry po

Ganyan din po sa akin momsh, 38 wks na ako. Minsan lng sya gumagalaw at kung gumalaw mn sya kunti lng ang movements. Mas maganda nga yun para hindi mataas ang chance na ma'cordcoil si baby.

5y trước

Kung maka'NO ka naman wagas

Relax lNg po. 19weeks plang nman po si baby sa womb. It mean 4months and 2weeks plang sya sa loob. Di pa po sya masyado gumalaw. . heartbeat plang po nya mafefeel mo pgnahawakan mo ...

5y trước

Ayan po yung last na ultrasound ko. 19 weeks pa lang po ako dyan. Pero ngayon po 23 weeks na kaya po nag aalala po ako

Influencer của TAP

Ako nga 29 weeks bago naglilikot baby ko sa tummy 😊, before nararamdaman ko lang heartbeat nya tas di pa sya masyado magalaw ngayon sobrang likot, lalo na kapag nakahiga ako.

momsh baka di lang makulit ang baby mo imonitor mo na lang po yun kick nya meron po dto sa app. na pangmonitor ng kick para alam mo pokung okba sya or hindi

5y trước

tnx po

try nyo uminom ng malamig na tubig or kaen ka matamis. magiging active baby mo. ganyan din ginagawa ko pag d ko ma feel yung movement ng baby ko e😊