Tiktik in the city
Hi! Ask ko lang. Naniniwala ba kayo sa tiktik?
nope. ibon lang Po un. nkarinig Po me nun nung grade 3 aq, madaling Araw gumagala ung ibon. may buntis Po noon sa kapitbahay Namin pero Wala nmng nangyare sa kanya. teenager na Po ung anak nya now. anyway just keep on praying and believing to Jesus Po, mas naniniwala Po me KY Lord. 💗😊
Yes po naniniwala po ako kasi nung first at second trimester ko tumatahol ang mga aso dito sa amin tapos parang may naglalakad sa bubong namin kaya yong dalawang bintana ko is may mga bawang at matitinik na mga kahuy. Kasi sobrang natatakot talaga kami buti ngayon wala na..
Yes, naniniwala po ako. We are living here in the city and may asin at bawang ang bintana namin now. Nung first tri ko kasi may mga creepy sounds kasi kami naririnig sa madaling araw. Now na nasa second tri na ako, di ko padin inaalis yung nga pangontra.
Hindi po ako naniniwala sa tiktik, kahit sinasabi ng kapitbahay namen na may tiktik daw sa paligid ng bahay kaya dapat daw mag hagis ng asin. . Nagluluto ako sa likod bahay namen madame puno, hindi ko pa naman naencounter yung tiktik..
Nung bata po ako yes. Dahil sa mga napapanood ko. This is my 3rd pregnancy na po and never naman po ako nakaexperience ng tiktik. Prayers pa rin po ang panlaban if ever totoo man sila. ☺
Hindi din. pero added precautions ginagawa ko. ayoko mawala si baby eh. tho somehow parang Naniniwala Ako na parang hindi. pero Wala Naman mawawala kung Gawin ko mga precautions for TikTik.
Yes for me. Pag patak kasi ng 3rd trimester ko may naririnig na kaming something pag 12am, 1am ganyan. Creepy lang kasi nagstart yung sound na pagpatak 3rd tri ko.
tarlac province po
for me no, kasi sa panahon natin ngayon hindi naman na dapat paniwalaan yan. always pray for protection lang talaga and guidance. covering by the blood of Jesus.
Yes mommy naniniwla po kse dto samin sa Bulacan nakakakita Mother ko lalo kapag may mga buntis na malapit samin at lalo nung mga panahon na buntis ako.
Dati di ako naniniwala sa mga ganyan, peru na experience ko sa 2nd baby ko na inaaswang ako. At madami talaga dito sa probinsya lalo sa mga bukid.
slamat po ...