Naglalaway
Ask ko lang mga mommy.. Okey lang ba na naglalaway ung mga baby? Tapos laging kinakain ung kamay. Ano po kaya dahilan nun? Pasagot naman po.
Normal lang yun mommy. Yung paglalaway means, di pa gaano developed yung muscles nila sa mouth pati ang swallowing. Yung pagkakain naman o subo ng kamay nasa oral phase pa si baby, meaning may gratification sila o pleasure pag nagsusubo ng kamay o kahit ano. Usually last eto ng 18 months.
Normal lang po siguro mamsh. Kasi ganyan din po baby ko at hindi lang po siguro pag ngingipin yung nag iisang dahilan kase turning 4months pa lang po si lo ko pero ganyan din po. It's either nagugutom or libangan po nila siguro.
normal yon mommy siguro po panatilihin mo nalang po na malinis ang kamay ng baby mo since sinusubo nya ito or better give ur baby teether, maaaring nag ngingipin na sya kaya po ganyan or pwede din kase nagugutom na sya ☺️
Tingin ko po normal lang yan kasi lagi po kasing nakabukas bibig ni Baby lalo na kung nakasubo yung kamay. Kahit naman po sating matatanda maglalaway kung nakanganga yung bibig diba? 😂
Very normal. Ineexplore ni baby mo ang kamay niya and for babies learning starts from the mouth kaya humanda ka na momsh sa susunod lahat na isusubo niya hehe
Cguro po mgpapatubo na po cia ng ngipin nia.ganyan po bby ko nung 3months to 4mons...kc nilabasan po cia ng milkteeth nia pgsapit nia ng 5mons...
Omg! Ganiyan din baby ko as of now. Hahaha! Minsan nga nangangamba kami ni mr ko. Kasi, gina-gargle niya—nasasamid tloy siya.
sakin nman pag ung baby ko kinakain ung kamay niya ibig sabihin gutom siya un ung sign nya pag gusto niya dumede
Bka tutubuan napo nang ngipin. Just make sure lang po na malinis ang kamay ni baby palagi since kinakain nya.
Baby ko 1month&half and until now na 5months siya nag lalaway padin at palagi nyang kinakain kamay nya..