Magkakapoblema ba sa Philhealth pag di updated yung address and contact info?
Ask ko lang, magkakapoblema ba sa billing if di updated information sa Philheath MDR? Yung address ko is yung permanent address ko sa province, dun din kasi ako nag register. Address is in Batangas pero nasa Rizal ako ngayon with my LIP. Tapos yung contact number ko is yung lumang number ko pa. Scheduled na kasi ako ma admit by Tuesday next week so di na kakayanin ayusin pa. Okay lang kaya yun? Tapos pag nag fill out ako ng CF1 na form, dapat ba ilagay ko is kung ano naka reflect sa MDR or updated na din? Thank you, sana masagot .

