#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

97. Hi Doc, normal po ba na kinakapos ako ng hininga? Im on my 22 weeks of pregnancy.. minsan po bigla nalang ako na parang susuffocate ... Please advise. Thanks in advance

6y trước

Hello po maam, if palagi nyo po nararamdaman, hindi po normal, pwedeng meron po kayong anemia, sakit sa puso, asthma, hyperacidity(GERD). Importante po naiinom nyo ang inyong prenatal vitamins esp ferrous po, if may pamumutla, need nyo po ma check at makapag pagawa ng blood work ups. Iwas po kayo sa mga nakakatrigger ng paninikip ng dib dib; usok, alikabok, aerosols, pets. Iwas din po sa spicy food, softdriks, coffee at tea to prevent hyperacidity po. If may any danger signs po need po pumunta sa hospital / health care provider po: padurugo/ vaginal bleeding, mataas na BP, masakit na tyan, matinding pagsusuka, pagtatae, masakit na pag ihi, lagnat,panlalabo ng paningin, nahihirapan huminga, watery discharge, pamamaga ng mukha at mga kamay, walang galaw si baby need nyo po pumunta sa hospital if may danger signs. Ingat po and pray :)