#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!

Sasagutin ni DR. CRISTAL LAQUINDANUM, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!
274 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

35. Doc 10days old po baby ko, antigas po ng poop nya. Sinusunod nman namin yung 2 is to 1 na pagtimpla ng gatas. Ano po kaya mabuting gawin pra lumambot ang poop? Ano po kaya rason bt matigas poop nya? And pwede po ba painumin ng tubig ang 10days old baby?

7y trước

Nakaformula po ba kayo? formula po kasi usually nakakaconstipate talaga e. Mas mainam kung makakabalik kayo sa breastfeeding pero if hindi talaga kaya kahit expressed breastmilk, shift to another formula. Kahit ano pong brand kasi hindi ako nagrerecommend ng specific na brand. We don't recommend water on the first 6 months of life, exclusive breastfeeding talaga dapat. Pag nagtutubig po kasi nagkakaproblema un sa balance ng electrolyte sa katawan ng baby.