#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!

Sasagutin ni DR. CRISTAL LAQUINDANUM, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Laquindanum!
274 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

19. Hi doc! Okay lang po b mapostponed vaccination ni baby this month? Thanks po

7y trước

Hindi normal na panahon ang kinakaharap natin ngayon. Ang official stand ng PIDSP (Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines) ay huwag i-delay ang schedule ng bakuna. Pero naiintindihan ko na mahirap din gawin un dahil sa COVID19 at enhanced community quarantine. Pwede nyong icheck sa health center malapit sa inyo kung nagbabakuna pa sila. Pero, in my personal opinion, kung papanatilihin natin healthy at walang sakit ang mga tao sa bahay, at hindi din naman kayo exposed sa ibang sakit, hindi din magkakasakit si baby. Pwedeng habulin ang mga delayed vaccines after the quarantine (except sa Rotavirus na hanggang 8mos lang)