#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!

Sasagutin ng LIVE ni Atty. Vincent Mataban, isang law professor, ang mga katanungan ninyo tungkol sa batas. POST YOUR QUESTIONS NOW! TANDAAN: - Ang first 50 questions po ang priority po na sasagutin ni Attorney. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!
83 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Anu po pwede isampang kaso laban sa employer ko na hindi ako pinasahod ng isa't kalahating buwan at walang work from home set up na binigay para saken. 4mos po akong buntis. Thanks

6y trước

Kayo ba ay nagtrabaho at hindi pinasahod o hindi na muna kayo pinagtrabaho kaya hindi kayo sumahod? Mayroon po kasi tayong tinatawag na no work, no pay. Kapag kayo po ay nagtrabaho at hindi pinasahod ay pwede kayong dumulog sa DOLE at magpunta sa SENA. Pero kapag kayo naman ay hindi na muna pinagtrabaho dahil sa Covid 19 at wala silang work from home arrangement, wala po kayong maisasampang kaso laban sa kanila. Management prerogative po itong matatawag lalo na kung dahil ito sa Covid 19.