Magandang araw po may itatanong lang po ako tungkol po sa karapatan sa bahay. Ang asawa ko po (lalaki) ay may 5 kapatid (3 po silang buong magkakapatid at may 3 po siyang kapatid sa nanay) Ang kwento niya po sa akin, ang bahay ay sa papa niya pero nambabae po ito bago pa man siya maipanganak at paalis-alis na sa kanila. Ang sabi po ng mama niya humingi raw po ng pambiling sapatos ang papa niya bago umalis at sa kanya na raw ang bahay (wala pa po atang 2 libo ang binigay ng mama niya) Nagpapabalik-balik pa po ang papa niya non sa kanila kahit may kabit na kaya nagkaroon pa siya ng kapatid, para raw po di na makabalik ang papa niya napilitan daw pong sagutin ng mama niya ung nanliligaw sa kanya at doon na tumira sa kanila. Sa ngayon po nakatira na ang stepfather niya at kasama sa bahay ang 3 kapatid niya rito. Pangalawa po siya sa magkakapatid (ang panganay po ay hindi sa kanila lumaki kaya parang siya na ang tumayong panganay)
Ang tanong ko po ay tungkol sa karapatan sa magkakapatid kung sakali, madalas po kasing nagkakaroon ng pagtatalo sa kanila at siya ay laging napagtutulungan na umaabot pa sa pagpaparinig na mapaalis kami sa bahay kahit noong di pa kami kasal. Ano po ba ang karapatan niya sa ganitong sitwasyon, gayong ang may-ari naman po talaga ng bahay ay ang papa niya?
Maraming salamat po
Đọc thêm