49.
Hi po atty. Ask ko lang po if may batas po ba na nagbibigay karapatan sa ama ng isang 3 y/o na bata na magkaroon sya ng communication or makuha nya ang anak nya sa pagkabinata kahit ayaw na ng nanay nito na bigyan sya ng karapatan sa bata? Nasa kanya kasi yung bata since 6 months old ito, kinukuha lang pa minsan ng nanay. Tapos ngayong mag a apat na taon na yung bata, kinuha ng nanay at sinabi na kalimutan na nung tatay yung bata. Yung tatay may sarili ng pamilya ngayon, asawa at anak, 1 month palang nakalipas nung kinuha na nanay nya yung bata. Sinusuportahan naman nya ang bata, binibigay yung mga pangangailangan nito. Pero yung nanay ayaw na makipagcommunicate, sinabihan yung tatay na kalimutan na yung bata. Kapag ba may psychological problem yung nanay may karapatan yung tatay magdemand? Tsaka yung nanay kasi nung bata paiba iba ng kinakasama, minsan lalaki, minsan tomboy. Nagwoworry kasi yung tatay na baka mapabayaan yung bata. Kasi before pag kinukuha nung nanay yung bata, 1 week lang sinosoli na agad sa tatay, o kaya minsan ilang araw lang. Pero pag kukunin nya ulit mga after 1 to 2 months pa. Tsaka simula nung magdadalawang taon na yung bata, wala na suporta yung nanay financially. Salamat po in advance.
Đọc thêm