#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!

Sasagutin ng LIVE ni Atty. Vincent Mataban, isang law professor, ang mga katanungan ninyo tungkol sa batas. POST YOUR QUESTIONS NOW! TANDAAN: - Ang first 50 questions po ang priority po na sasagutin ni Attorney. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!
83 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

30. Good day po attorney! Ask ko lang po, kung ano po yung magandang process kung di po nagsusupport ang daddy ng anak ko. Hiwalay po kami pero nakaapelyido po ang baby ko sa kanya. Pero simula sapul po di na po sya nagsuporta sa anak namin. Simula po nung nagbuntis ako ano po ba ang dapat kong gawin? At kanino po ang custody ng anak namin. Salamat po

Đọc thêm
6y trước

Magandang hapon po. Kung hindi po kayo kasal, sa inyo lamang po ang custodiya ng bata. Makakahingi rin po kayo ng sustento sa kaniyang ama at kung hindi po siya magbibigay ay maari kayong magsampa ng kaso for support laban sa kaniyang ama. Korte po ang magdidikta kung magkano ang dapat niyang ibigay depende sa kaniyang kapasidad.