#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!

Sasagutin ng LIVE ni Atty. Vincent Mataban, isang law professor, ang mga katanungan ninyo tungkol sa batas. POST YOUR QUESTIONS NOW! TANDAAN: - Ang first 50 questions po ang priority po na sasagutin ni Attorney. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskAttorney LIVE chat now with a LAWYER!
83 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

6. Hello Attorney, magandang araw po. May consent letter na kasi kaming mag asawa galing sa biological father ng anak ko sa una, ano po ang susunod na process? Nagdecide na po kasi yung asawa ko na iadopt na yung anak ko sa una at madala na yung surname nya. By the way po, 7 years old na po yung bata and simula nung iwan kami ng tatay nya (hindi po kamo kasal) di na din po nagsustento. Ako po ang nagtaguyod sa bata simula 2 years old hanggang sa makapg asawa na nga po ako mung 2018. Wala na po akong balak humabol sa sustento kahit pa nakapirma siya sa birth certificate ng bata. Ano na po ang next step and mga magkano po ang gagastusin if ever po na ilapit namin sa PAO? Thank you in advance po!

Đọc thêm
6y trước

Magandang hapon po. Marami pong requirements bago makapag legally adopt. Isa po sa requirements ang consent ng biological father. Eto po ang mga dokumento na kailangan ninyong kunin: 1. NBI Clearance; 2. Police Clearance; 3. Court Clearance (Regional Trial Court at Municipal Trial Court); 4. Prosecutor's Clearance; 5. Financial Capacity ng mga aampon (Bank Statement, Income Tax Return, Business Permit, etc); 6. Pre- Adoption Report before a social worker. Hindi ko lang po alam kung tumatanggap ang Public Attorney's Office ng mga kaso tulad nito pero maari po kayong magpunta sa kanila upang itanong. Maraming Salamat at mag ingat po tayo laban sa Covid 19.