2 Các câu trả lời
FROM DOH : 😊 💖💖💖 ↘"GATAS NI MOMMY"↙ 💝💝💝 Kumpara sa artipisyal na gatas sa bote, ang gatas ni Mommy ay konti pero tama, sapat at eksakto sa sustansya at antibodies. Ang artipisyal na gatas sa bote ay marami sa tubig at kulang sa sustansya at gamot para kay Baby. Walang kapantay at kapalit ang gatas ni Mommy. ➡ Hayaan ang sanggol na sumuso hanggang makatapos, kusang bibitiw at sadyang matutulog na siya ➡ Ang sangkap ng gatas ni Mommy ay nag-iiba minu-minuto depende sa pangangailangan ni Baby habang sumususo ➡ Puno ng antibodies ➡ Pananggalang laban sa malubhang sakit ➡ Kontra-impeksyon, diarrhea, allergies, asthma, sakit sa puso at iba pa 💡 FOREMILK (PANG-UNANG GATAS) ➡ Unang daloy ng gatas ➡ Pampatid ng uhaw ng bata ➡ Kakaunti lang ang fats/taba ➡ Lusaw tingnan ngunit masustansya 💡 HINDMILK (PANGHULING GATAS) ➡ Mataas ang fats ➡ Mabigat sa tiyan ➡ Pampataba kay baby ➡ Pampatalas ng paningin dala ng sustansya ➡ Satiating effect o pampabusog 💡 BIOAVAILABILITY ➡ Umaangkop ang gatas ni Mommy bawat minuto depende sa sumususo ➡ Angkop sa tao ang gatas ni Mommy at nagbabago to batay sa pangangailangan ni Baby habang siya ay sumususo ➡ Ang gatas ni Mommy at angkop sa klima ng Pilipinas na palaging mainit kaya kumpleto sa tubig sustansya at likas na gamot ➡ Nag-iiba ang lasa ng gatas ni Mommy lalo na kung labis ang kain niya ng isang bagay. Halimbawa sobra sa maanghang na pagkain o kaya prutas na chico o atas ng baka. Si Baby ay nagkakaroon ng reaksyon sa labis na kinain ni Mommy. Sa gatas baka ang reaction ni Baby ay kabag/colic, pumipilit ang tiyan ➡ Kung may sakit si Mommy gumagawa ang katawan ni Mommy ng antibodies laban sa sakit. Makukuha ni Baby ang antibodies na ito sa kanyang pagsuso 💡 💯KAYANG-KAYA NI MOMMY 💪 NA MAGPASUSO KAHIT SIYA AY PAGOD. ✔✔✔ ➡ Pwede magpahinga si Mommy sabay nagpapasuso. Kailangan uminom ng tubig para matighaw ang uhaw. Makakatulong ito sa pagpapasuso kay Baby ➡ Hindi panis ang gatas ni Mommy kahit siya ay pagod. Ligtas ito kahit kailan at saan man. Ang gatas ng ina ay gawa ng Diyos at hindi kontaminado. 💡😣😣GUTOM😣😣 ➡ Ayon sa pananaliksik o pag-aaral ng WHO, kahit ang malnourished na Mommy sa Gambia (Africa) ay may kalidad ng gatas na katumbas ng gatas ng isang malusog na Amerikanang nagpapasuso sa unang tatlong buwan. Kaya gabayan si Mommy ng pagkain at pagpapatuloy ng pagpapasuso 💡👶👶BUNTIS👶👶 ➡ Kahit buntis si Mommy pwede siyang magpasuso; ang tawag dito ay “tandem nursing.” Maliban na lang kung delikado ang pagbubuntis tulad ng makukunan (premature contraction) 💡😷😷MAY LAGNAT😷😷 ➡ Pwedeng magpasuso kahit may lagnat si Mommy o si Baby. Gusto lang ni Baby na sumuso nang sumuso kapag may lagnat siya. Mainam ito sa kanya dahil pinagkukunan niya ito ng kaniyang pagkamit, gamot at antibodies sa panahong mahina siya 💡😵😵GALING SA SAKUNA, BAHA, BAGYO, LINDOL, ULAN, TAGTUYOT😵😵 ➡ Anumang kalamidad, angkop ang gatas ni Mommy para kay Baby anuman ang mangyari. Ligtas si Baby sa gatas ni Mommy. ⬇ BREASTFEEDING MYTHS ONLY in the Philippines!! 1. the kanin-ulam chronicles (kanan, kaliwa, parehong gatas ang nilalabas nyan. walang kanin, walang ulam, walang tubig...lahat gatas!) 2. ang dedeng pagod (panong mapapasa sa gatas ang pagod? napapagod ba ang gatas??) 3. ang dedeng malamig (kahit gano kalamig yang kinain at ininom mo, pagdating palang sa tyan mo nyan, mainit na din yan dahil mainit ang temperature ng katawan natin e di lalo naman pagdating sa gatas mo nyan, lalong wala na yung lamig nyan! isa pa, never pakong nakapag-pump ng gatas na malamig, kayo ba, nakapagpump naba kayo ng gatas na malamig???) 4. ang dedeng may sakit (hindi nadede ang sakit! pag may sakit ka, mas mabuting magpadede ka kasi imbes sakit ang madede ni baby, ang madedede nya ay yung antibodies mo kaya mas naiiwasan nyang mahawa ng sakit) 5. ang dedeng maanghaang (hindi aanghang ang gatas mo kahit kumain ka pa ng sili) 6. ang dedeng lasing (hindi malalasing si baby pag nakainom ka ng alcohol. basta DRINK MODERATELY. siguraduhin mo lang na hindi ka papakalasing at baka hindi mo maalagaan ng maayos si baby) 7. ang dedeng nagparebond (pwede ka magparebond, magpakulay, etc...in short legal kang magpaganda kahit nagpapadede ka! hindi papasok ang gamot sa buhok at pupunta sa gatas mo. kung matapang ang amoy ng gamot, pwede mong lagyan ng showercap pag magbbreastfeed ka para hindi maamoy ni baby) 8. ang dedeng pinaksiw (hindi hihinto ang gatas mo pag kumain ka ng maasim) 9. ang dedeng gutom (pwede pong magpadede kahit gutom. hindi po napapasa ang gutom. pag pinadede mo si baby, mabubusog yan kahit anong gutom mo pa!) 10. ang greatest white (hindi nman nakakdecrease ng supply ang kape basta in moderation pero lalo namang hindi yan nakaka-increase ng supply) 11. malunggay, malunggay, malunggay!!! (siguro nga kahit papano nakakatulong ang malunggay pero wag o.a. sa malunggay! kumain ka naman ng iba! balanced diet dapat! eat variety of food para healthy ka at makaproduce ka ng madami.
🎀Tips based on my experience! Happy Breastfeeding! 🤗 ✅Drink 3 glasses of water before feeding mafefeel m kikirot boobs m ddami milk m. then while breastfeeding drink ka ulet water then after breastfeeding water again pra dk madehydrate at pra mkpgproduce k ulet ng milk. very powerful ang water. ✅tahong or halaan with or without malunggay is effective ✅bone broth ✅Milo/ovaltine (any malt drink) better to take for breakfast & as afternoon snacks not before bedtime naging fussy baby ko but u can try. ✅energen- cereal drink ✅oatmeal - instant, quick cook but better ROLLED OATS ✅malunggay leaves/ malunggay tea ✅malunggay supplements- natalac 250mg/ megamalunggay 600mg /feralac 500mg ✅soups nilaga sinigang higopin m sabaw non ✅talbos ng kamote ✅buko juice ✅Gatorade -any drink with electrolytes(but makes my baby fussy🤗) ✅tablea ✅M2 Malunggay - from shopee or andoks ✅Ginger tea ✅Chia seeds ✅Think positive na kaya mo mgpabreastfeed, na madami kang milk ✅UNLI LATCH - d more latching d more milk will be produce by ur glands ✅Use electric pump; power pumping ✅Use milk catcher on the other breast while ur baby is nursing on the other one. ✅Breast Massage in Circular motions ✅Shoulder and upper back massage ✅Avoid oral antibiotics and meds unless given by ur OB. ✅Avoid any combinationcontraceptive pills! for oral contra., ONLY Progesteron pills are good and safe for lactating moms like daphne and exluton. consult ur pedia or health provider whats best for u. ✅Continue your pre natal vitamins or multi vitamins Ctto
Rmrz CJhnn