Hospital
Anyone here na nanganak sa perpetual succor sa may UST? Hows the experience po? Dito ko kasi balak manganak. Kay dra. villas/adona/aguilar po ako.
Nanganak ako dyan last July. 40k plus naging bill ko at normal delivery, painless. Bawas na yung philhealth and more than half ng bill eh sa professional fee ng pedia, OB at anes napunta. Room namin is 1,400 per day, aircon pero walang tv kaya boring sobra pero dahil may baby di mo na maffeel na mahaba ang oras. Wala rin mabilhan ng food within the hospital, lalabas kayo or magbaon ng food. Nung pumunta kami, walang room so nagantay yung kasama ko while ako, dinerecho na sa operating room/waiting room for my labor kasi 3cm na ako. Dito na nagmomonitor ng for labor and nagiinstruct ang OB mo until na malapit ka na manganak. Malamig and mabait ang mga staff. Nanganak ako by 5am, nagstay sa recovery room until nakabalik nako sa room by 8am and na room in na rin yung baby. Medyo luma na yung hospital and I must say if maselan ka, di ka matutuwa sa amenities. Pero mababait ang staff nila. Magpareserve kayo ng room a day or two, kung humihilab palang. Maiiba din ang charges depende sa halaga ng room na kinuha nyo, mas magandang room, mas malak charges sa OR, etc. Wishing you an easy and safe delivery.
Đọc thêm