byenan
anong ugali ng byenan mo ang pinakaayaw at gusto mo?

Gusto ko sa byenan ko, when it comes to my daughter maalaga naman siya. At love na love niya, lately nalang hindi na talaga sya makatulong sa pag aalaga kasi may katandaan na rin. Ang ayaw ko lang sakanya, lahat gusto niya alam niya at pakielaman niya. Minsan nag uusap kami ni hubby ng personal at mahina (kasi shempre samin lang un) tapos bigla siyang makikisabat at magtatanong kung ano daw pinag uusapan namin hahahaha like hello? Bakit po? 😂 minsan may mga pagtatalo rin kami ng asawa ko tapos lagi siyang sasabat na ano nanaman daw yung pinag aawayan namin etc. Eh hindi naman maiiwasan un. At mababaw lang naman di naman kami nagsisigawan. Ayun lang, kaya bumukod na rin kami dun sakanila kasi may times din na ang sarcastic nya magtanong sakin pag di maganda mood niya. Nirerespeto ko pa rin naman siya kaya pinilit ko nalang bumukod kasi baka di ko na rin mapigilan sarili ko sumagot pag nag tagal hehe
Đọc thêm