Don't eat this!

Anong pagkain ang huling nagpasuka sa'yo?

Don't eat this!
319 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Lahat ng pagkain na dko nicrave issuka ko po.Halimbawa pag oras ng pagkain natural sa isang bahay maglluto ng ulam.Pag itong mga ulam na ito ay hndi ko ncrave tas kakainin ko issuka ko talaga kaya minsan kahit anong gutom ko di ako kumakain dahil magssuka lang ako.Madalas pa naman ang cravings ko ay bgla bgla nalang at dapat makain ko kagad kase ssikmurain ako pag dko kagad nakain tas ssuka na ako.Ang hirap hirap hirap talaga sa first trimester😖😣Kung may choice lang ako para hndi ko danasin nag skip na ako.Ssabyan pa minsan ng heartburn na parang nasa lalamunan ko lang kinakain ko hndi nababa ng tiyan ko tapos fatigue.Wala ka nalang talaga magawa kundi hntayin kung kelan gginhawa ang pakiramdam mo.

Đọc thêm
2y trước

ayoko ng kanin at ulam.. karne, isda, chicken, beef. isusuka ko lang tlga lahat. if pinilit lalo lang isusuka. Spaghetti lang like ko.. Nkakaiyak minsan peri inieenjoy ko nlng

ako po ay amoy ng karne. napakabaho po sakin nyan, baboy, manok, at baka. at lahat ng klaseng pagkain na may connection sa kanila like lucky me na may ganyang flavor, itlog, basta may flavor nila. ayaw ko din po ng amoy ng bagong saing na kanin. kaya ang tanging nakakain ko lang ngayon ay malamig na kanin basta may sabaw. mahilig po ako sa mga may sabaw na ulam ayaw ko ng mga tuyot. mga seafoods nakakain ko din wag lang talaga karne. nakain na din ako ng gulay na dati ay hndi. nung di pa po ako nabubuntis, food is life ako pero meat is lifer sakin. kaya grabe talaga panghihina ko nung mabaho na sakin karne now kahit gusto ko kainin maamoy ko pa lang nasusuka na ako.

Đọc thêm

Ako naman mga momshie sensitive din sa pang amoy pero naduduwal lang. Di naman natutuloy. Tapos ung dating amoy ni mistet na kahit pawis ay okry lang sakin ngaun parang ew na ew ako 😂 tapos anything na sour sa paningin ko kapag feeling ko matamis naman like orange, santol at dalandan eh kailangan kong kainin. Tapos constipation and gas burn maghapon at lalo na sa gabi. Kaya kaunti lang lagi kinakain ko kasi kapag oras na ng pagkain parang mag start na naman ung pagduduwal ko. Pero ako naman nagluto ng food pero ung gana nawawala. Kaso need ni baby ng food so no choice kain ng kaunti tapos maya ulit kain.

Đọc thêm

ako lahat ng food nasusuka ako. makaamoy lang ako ng sibuyas bawang at mantika nasusuka talaga ako. ang nakakain ko lang na komportable ako is bonchon chicken kasi matamis sya. pero yung last na nagpasuka saken is shake shake fries ng mcdo. as in sobrang lala ng pagsusuka ko. nakailang balik ako sa toilet at ayaw tumigil. kahit wala na mailabas e sumusuka parin ako to the point na hilong hilo na ako at hirap na huminga.

Đọc thêm

Ang dami nagpapasuka sakin. Maselan preggy here! Ayaw na ayaw ko sa chicken. Mapa prito or sabaw. Ang lansa nya para sakin. Yun pa naman hilig ko kainin dati. 😅 Tpos sa tubig, feeling ko laging lasang kalawang. Naduduwal ako kahit sa tubig lang. Pero wala kong choice, need mag tubig. Tiis mode na lang. 😅

Đọc thêm
2y trước

omy pareho tayo apaka hirap uminom ng tubig kasi parang lasang kalawang kaya juice minsan at gatas iniinom ko pra lang may mainom na fluid

lahat Ng kakainin ko Basta sa Umaga sinusuka ko,. pero pagdating nmn Ng tanghalian kahit same lng ung food ok nmn ako. wla nmn akng pili sa food lahat ok nmn ako, pero pag bawal nmn d ako naghahanap..sa Umaga lng talaga ako sobrang nahihirapan Kumain. bumabawi nlng ako sa tanghalian.

Thành viên VIP

Lahat ng kinakain ko dati wala na finish ayaw lahat 🤢🤮 Adobo na luto at isda kahit anong luto basta malangsa ayaw, Ang hirap hirap magisip ng kakainin mo nakakaistress lahat isusuka mo. Sibuyas and bawang Hateful 😑 lalo na mga may toyo na halo ayaw ko jusko

Ako po thanks God not so sensitive with all the foods, lahat ng makita kong pagkain at mismong kinakain ng iba naccrave agad ako, sabi ko nga sa sarili ko haha naging PG ako ng di oras. But I'm still vomiting pagka nasosobrahan po ng kain, minsan pag nagttoothbrush.

amoy ng bagong lagay na bawang sa mantika. yung kapag gigisahin na. tsaka anything orange na seafoods/shells like hipon, crabs, lobsters. (charr, kala mo talaga may pangbili ng lobster. 🤣🤣), basta mga ganyan. maamoy o makita ko pa lang, nasusuka na ako.

2y trước

same seafood kahit sa picture ko lang makita nasakit na tyan ko

Dalandan. 😂 Pero very light na suka lang. Yung liempo ng Mang Inasal talaga ang nagpasuka saken ng bongga, as in gumising pa ko ng hating gabi at madaling araw pra lang sumuka. Awang-awa saken ang asawa ko, sinumpa na nya ang Mang Inasal. ✌😂