Anong mas preferred na meryenda ng mga chikiting nyo? Traditional pinoy merienda like banana cue, turon, kamote cue, binatog, bilo-bilo or mga fast food na like, spaghetti, burger, fries, pizza, etc.?
My kids look for pizza, pasta and fries din for snacks. Sigh.. Pero syempre I still introduce them to my all time fave banana cue and turon. Kumakain din naman sila un nga lang, mas madaling hanapin ang pizza, fries, pasta and burger pag nasa Manila ka unless mgluluto ka talaga.
si baby ko kase more on fastfood like mcdo .. takot kami pakainin sya filipino miryendas kase usually may malagkit na bigas db okaya like saging na saba .. mabagal kase panunaw nya kaya di namin mapakain masyado na mabibigat sa tyan .
Well, mas gusto nila ung galing sa fast food like french fries and pizza. But whenever we have the chance to prepare meryenda at home, we make the traditional Filipino meryenda like turon and banana cue which are my favorites.
Naku yung mga pamangkin ko ang mga nais e puro fast food. Tapos mga picky eater pa. Mahirap kasi kapag nasanay ang bata at naexpose sila agad sa junkfood e. Any tips kaya para masanay sila to eat healthy food options?
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-13398)
My toddler is ok naman to eat both, pero mas hilig pa din nya ung fast food choices like fries and spaghetti. Although kumakain naman sya ng turon and banana cue. Pero ung ibang kakanin, ayaw nya.
Hay naku, mahilig humingi ng Jollibee yung anak ko - spaghetti, peach mango pie or fries. Pero minsan kumakain naman siya ng turon or banana cue pag masarap ang pagkakaluto.
Of course, I prefer yung healthier options as much as possible. Among the choices, I'd go for Pinoy merienda siguro. Ayoko rin kasing masanay ang baby ko sa fast food :)
My daughter is only 10 months old so I can't really answer what she prefers. But if I think I'd be preparing Pinoy merienda para hindi din siya masanay sa fast food.
Naku gustong gusto ng anak ko ang spaghetti! Hindi naman favourite pero parang yun ang una nyang pipiliin among other food na ihain mo sa mesa :D