YT Suggestions
Ano'ng madalas mong panoorin sa YouTube?
mga home based jobs sa fivver, upwork. VA at iba pang skill. Aral aral muna habang wala pa pambili laptop para pag meron na dirr diretso na pag apply. hindi pa kasi ganon kataas confidence ko kaya bini build up ko pa sarili ko
Harabas, Fishing Brothers PH at Kabugto, more on catch and cook yung channel nila. Pambansang Kolokoy pag mukbang. Randy Santel naman pag mga food challenges. Simpol at Panlasang Pinoy for cooking videos.
nitong mga nakaraan documentaries sa ww2 holocaust pinapanood ko. or war movies. kinakausap ko lang baby ko sa tyan, sabi ko kalma lang sya kasi history lang naman yun. hehe✌️
Mommy vlogs po pag may time na makasingit sa cocomelon, blippi, little baby bum, bounce patrol, super simple songs at latter day kids ni baby. 🤣
Religious sermon. Minsan naman, anything na may kinalaman sa pregnancy. Pero mas madalas vlog ni Alex Gonzaga e.
Newborn essentials, what’s in my hospital bag... first time mom kaya kuha ng tips sa mga mommy vloggers
Mga videos po ni Jay Costura... 😁😁😁 minsan naman is about sa pagluluto...😊😊😊
Siyempre yung mga uploads ko sa youtube ko. Mommysoleil watch kayo may mga recipe ako dun😊
mukbang foods dahil mahilig si hubby sa mukbang 😂 nakikinuod lang din ako hahaha
hindi na ako nkakanood ng gusto ko puro nlng mga gusto ng anak ko🤣🤣🤣