7 Các câu trả lời

Mag pray ka palagi moms, pag nasasaktan ka, pag nagdududa ka pag di matahimik isip mo lahat yan ilapit mo sa diyos lahat yan ikwento mo sa kanya para magkanpeace of mind ka, ipagdasal mo tulungan kang alisin lahat ng di magagandang nararamdaman mo at naiisip mo tungkol sa LIP mo, palitan ito ng masmahabang tiwala, ipagdalasal mo din pagsasama nyo pag mamahalan nyo lalong lalo na ang pagiging isang mabuti magulang sa darating nyong anak, tandaan mo buntis ka, kung ano nararamdaman mo mas nararamdaman ng baby mo jan sa sinapupunan mo, kawawa naman ang baby nyo walang kamalay malay pero sya mas naaapektuhan, dapat puro positive ka ngayun buntis ka, puro pagmamahal lang at saya lang para lumabas ang anak mo sa mundong ito ng maayos at ligtas kayong 2

Salamat mi, sobrang ganda ng advice mo.naiyak ako salamat talaga, gagawin ko yan mi para sa baby ko.

Confront your LIP. Sabihin mo sa kanya ano nararamdaman mo, be confident. Tama yung mgset ka ng boundaries, magkakaanak na nga kayo hindi pa rin siya maka-move on sa ex niya. For me it's ok to be friends with ex like kamustahan lang yun lang wala ng iba mas mabuti pa rin walang connection, kasi kung may connection pa rin baka bumalik ang spark, hindi po normal yung mgpapacomfort. Sabihin mo sa kanya ano ba purpose ng maraming account eh mgkakapamilya na nga kayo. Kung wala kang tiwala sa kanya dahil siya nman mismo gumagawa ng rason na hindi ka mgtiwala edi reevaluate mo relationships niyo kung kaya pa ba pag-usapan ang problema at maresolve, is it still worth it to stay and suffer emotionally? Napakainsensitive nman ng LIP mo.

thank you mi

Be firm sa LIP mo na tigilan nya yang ganyan. Yung madaming account tapos may chinachat at nagpapa comfort pa isang bridge yan to connect people at magkaroon sila ng bond. Pumapasok sa ganyan ang temptation kaya nga dapat may boundaries ang tao sa opposite gender para hindi masyado mapalapit ang loob. Kausapin mo maigi yung LIP mo at ipagdiinan mo na mali yung ganyan at hindi ka papayag na ganyan ang ginagawa niya. Kung may problema siya sa iyo siya kamo humingi ng comfort.

minsan sumasagi sa isip ko na uuwi na lang ako at don na lang manganak sa amin sa probinsya, pero andito yung awa ko sa knya at pagaalala, bakit ganun mi.. so unfair para sa akin at sa anak ko, kahit chat nya lang yun pero masakit para sa akin at sa magiging baby ko na pagkapanganak ko wala na yung saya na makikita ko na masaya din sya para sa baby namin soon..kasi nakatatak na sa utak ko laging nagpaflash back na sa utak ko yung nakita ko, kahit anong gawin nya kahit tatae lang sya dala dala nya phone nya nagpaflashback agad yun, naiisip ko kaagad na baka kachat nya yung ex nya..😥 yung feeling na di ko na kayang paniwalaan pa..

tama po payo nila. Pray ka din mi..hingi ka din po guidance sa Diyos at signs kung ano na susunod na gagawin mo. ipagpray mo din si LIP.

Ay di pa sya naka-move on? Ganyan LIP ko noon,chinachat niya ex niya. Di pa ko buntis nun.

di k mahal if looking some attention to other woman.

walang kulang sayo mamsh, baka di lang sya makuntento

eh ako mi, simpleng tao lang, masaya na kung anong meron ako, kuntento na sa buhay na kong anong meron ako mi, taong bukid lang ako, walang pinag aralan mi.😥

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan