30 Các câu trả lời

TapFluencer

Cs mommy din po ako mommy and yes struggle talaga yung bmilk supply sa una pero sge lang po pa latch kay baby kahit konti palang supply mo mii kasi yan din yung nagiging way pano dumami supply mo. kain ka always ng mga masabaw, pinakuluang malunggay, natalac (yan ksi nirecommend na supplement ng pedia ni baby) tapos mga lutong may gata. tapos nakakatulong din yung hand expression mii and yung sinusuklay yung palibot ng breast. for the first few days and weeks mii, expect na struggle talaga ang milk supply mo kaya kung meron ka for the mean time na mapaghihingan ng bmilk much better po dahil yan ginawa ko sa baby ko. ☺️

CS din ako.. sa Hospital palang may baon na ko M2 malunggay hinahalo ko sa drinks tapos nag manual pump ako at massage ng breasts pinupunasan ko din ng towel with warm water.. need ko kasi talaga magka milk agad nun kasi na NICU baby ko.. less than 24hrs nakalakad na agad ako para magpa latch Kay baby need kasi madede nila yung colostrum milk.. if soft diet ka na pwede ka na mag inom ng maiinit na drinks or higop ng may sabaw ...

VIP Member

Mi, unlilatch po talaga pinaka effective. Akala nyo lang po walang nalabas sayo pero meron yan. Konti pa lang naman kasi ang need ni baby pag newborn pa lang. Mga 3rd day yan dadami talaga basta ipa-direct and unlilatch mo lang. Try mo na din 'yung pinakuluan na sabaw at laman ng buko. Hindi ko pa naman nasusubukan pero effective daw sabi ng ibang mommies.

need mo lang talagang ipa suck kay baby.. yung akala natin na walang gatas, meron po yan..proven ang tested ko na po yan. nanganak ako last august and same I thought walang gatas kasi yung boobs ko parang walang laman, but nung lagi ko lang siyang pinapa suck sa baby ko lumabas at last..

ako mamsh normal delivery nman.. pero 3 days bgo ako nagkagatas.. ginamitan pa ng syringe kahit masakit.. tapos sabaw ng sabaw ako. continuous latch lang kay lo kahit umiiyak n xia non kci nga wala pa ko gatas hehe and gnun din savi ng obs ..ung iba 3days talaga

VIP Member

galacto bombs, malunggay, masabaw na pagkain at ipasupsup nang ipasupsup kkay baby ang nipple. every 2hrs my, sakin pinapa-suck ko kay baby, ayon awa ng Dyos, maayos na ang supply ko. plus masasabaw na ulan talaga

padede mo pa rin kay baby kahit wala nalabas na gatas. magkakaroon din yan ganyan din ako. saka malunggay capsule. try mo din inom nilagang luya nakakapagpagatas din sya. napansin ko lang kasi nadami gatas ko kapag umiinom ako salabat.

ako 3 days pa ako after na cs nagka milk. uminom lang ako ng boiled na malunggay tapos unli latch lang talaga si baby. 1 night kong karga si baby papa suso sakin, pagka morning meron na akong milk. Inom ka rin marami tubig.

unli latch wag ka paka stress hindi pa naman yan sisirit ng bongga kaya wag mu isipin wala kang milk .. sabayan mu ng sabaw water and malunggay cap lalakas din ang milk supply mu .. 👨‍👩‍👦

Unli latch mi. Yung milk production mo depende sa baby, since maliit pa tiyan ni baby di pa gaano kadami gatas prinoproduce mo. Sabaw, m2 malunggay, natalac yan mga tinake ko right after manganak

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan