Tahi
Ano po kaya ito? Puro langib na e, pero yung taas ng tahi ko may ganyan bumuka ba sya? Para syang may nana e hayyys sino pong same case ko? Nilalagyan nyo pa ba ng gasa sugat nyo? Mag 1month na po yang tahi ko
ghurl dapat tegaderm nilagay mo o ng ob mo sa sugat (ang alam ko ganun naman na dapat after operation) para kahit maligo ka hindi siya mababasa..tas binder for 1 month. napwersa lang siguro yan kaya mejo bumuka..(kakabuhat din minsan kay baby) yung saken din dati mejo bumuka sa taas na part kaya tinuloy ko padin magbinder tas linis ng sugat betadine lang tas tegaderm uli (mejo mahal nga lang pero pwede naman umabot ng 1-2 weeks ang gamit) noe okay na..tas lagyan mo lang ng contractubex para manipis na manipis lang peklat wag mo ng lagyan ng gasa tas micropore na pandikit..pero pag may nana talaga pacheck mo na yan baka kasi na infect na para mabigyan ka na ng antibiotic 😊
Đọc thêmMommy sakin ginupit Ng OB ung sinulid din. Pero ndi ganyan sakin. More than 1 month na din ako after CS. Nung bumalik ako sa OB ko for ff up, binigyan nya ko ointment, taz Sabi nya no need to put betadine at wag na takpan Ng gasa para daw matuyo. Pero recommend nya sakin na panty girdle at binder pa din. Para di mabasa Ng pawis ung tahi. Til now naka binder pa din ako taz ndi ko padin binabasa Kasi di ko natanong sa kanya if pede na basain Taz nag betadine pa din nilalagay ko then after ung ointment. Babalik Naman ulit ako sa July 4 for family planning,dun ko nlng ask sa OB ko if pede na basain at if pede na ko mag fish.
Đọc thêmOne month na din sakin pero hnd naman ganyan. Wala din tinanggal na sinulid or whatsoever. Advise lang sakin ng OB ko noon pagkalabas ng hospital is wag muna basain, mag binder and linisan ng betadine. Then after 2wks pagbalik ko sa OB sinabihan nya akong pwede na basain kasi tuyo na daw then reseta ng ointment para sa infection at pwede ng kahit panty girdle at binder nlng suotin ko kahit wala ng gasa para daw mas mabilis mag heal if wala ng gasa. Pero now hnd ako nag bbinder kasi mainit. Hehe
Đọc thêmSame situation po tau. Nov 10 po ako nanganak. Natuyo na ung ibabang bahagi ung taas na tahi ung pinag buhulan ng sinulid ganyan dn nangyari sa akin. Pag tanggal ko ng gauze may nana na at ay maliit na butas. ksama na ung natanggal na sinulid na naka dikit. Nag message ako sa ob ko and advice niya sa akin is linisan lng ng agua oxinada and nag resita siya ng ointment na ilalagay may nana. 2x a day siya lilinisan. And pag makirot nainom lang ako mefinamic So far unti unti na siya lumiliit
Đọc thêmHi mamsh sakin po hinugasan ko ng pinakuluang dahon ng bayabas tska inexpose ko lang di ko na nilagyan ng gasa para makasingaw sya, kapag kasi nilagyan mo ng betadine nagiging fresh ulit ang sugat, try u po yan, tska wag ka muna po kumain ng malalansa gaya ng mga walang kiskis na isda, shrimp, pusit, manok, itlog at manga..
Đọc thêmGanyan din nangyari sakin. Bumuka nga po yung tahi. May nireseta sakin OB na cream for open wounds. 1week lang gumaling na. Nakalimutan ko lang yung name ng ointment. Pacheck mo nalang din sa OB mo para mabigyan ka ng meds. Tapos kain ka ng mga protein foods like munggo, toge, tofu para mas mabilis gumaling.
Đọc thêmNagka ganyan din ung tahi ko. 3days ago nag nana sya bandang taas. Sabi nang ob ko lagyan ko lang daw nang betadine since dipa nga ako macheck up ni ob ko kasi wednesday pa sked ko sakanya. Sa awa nang dios nawala na ung pag nana. Mag 1month palang akung cs.
Sa akin 1 month npo ung tahi pero hindi po ako nakaranas ng ganyan. Sabi ng ob ko wag daw takpan kasi mainit. Lagyan lang daw ng alcohol o betadine araw2. After ako ma cs 3 weeks nakapaglakad na ako ng maayos.
Mag vitamin c ka po and linisin mo sugat 2x a day. Betadine and bago lagyan ng gauze, pahiran ng bactroban. Ganyan ginawa ko nung 1 month na di pa gumagwling tahi ko. 1 week lang okay na sya
1month na sakin pero sobrang tuyo at dikit nasya wag nyo po galawin ung sugat palaging linisin tapos mag binder po wag din pwersahin at wag na wag kang yuyuko ❤️🤗